Sa may reception area, may nakita akong pamilyar na mukha. Halatang nagmamadali siyang habulin yung elevator.




"Tiana!" Habol ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon at namilog yung mata niya noong makita ako. Pinagmasdan ko yung hawak niyang kape na binili niya sa labas.


"Para ba kay Tyrone 'yan?" Tanong ko habang nakangiti.


She looked shocked while nodding. "M-Maam, gu-gusto niyo po bang sabihin ko kay sir na nandito kayo?" Nginitian ko siya tapos tumango na rin ako. "This way po, Maam."


Hindi ko mapigilang ngitian si Tiana matapos kong mahuli yung mga nakaw niyang tingin habang nasa elevator kami. "Kamusta na pala si Tyrone?"


"He's fine... I think." Bulong niya sabay iwas ng tingin.




Noong marinig namin yung tunog ng elevator, sinenyasan ako ni Tiana na mauna. I did. She told me to wait doon sa may desk niya tapos pumasok na siya sa office ni Tyrone.

Matagal rin akong naghintay bago lumabas si Tiana na namumula ang mukha at hindi makatingin sa akin.


Her reaction is enough for me to get his message. Kaya tumayo na ako at nilabas yung invitation at inabot ko sa kanya. "Pwede bang paki-abot na lang ito?" Kinuha naman niya iyon kaya nginitian ko siya. "Alam kong labas na ito sa trabaho mo," hinawakan ko yung kamay niya. "But, please, take care of him for me? He needs someone."


Nanlaki ulit yung mata niya tapos tumango. I can see her uneasiness, pero napanatag ang loob ko sa pagtango niya. Soon I was out of his building, and I found myself back at the hotel.


---


"Nag-iba talaga ang mga paintings mo. But this time, lalo kang gumaling." Comment ni Eurisse habang ginagala niya yung tingin sa mga paintings ko. He reached for my hand and gave it a squeeze para makalma ang nerves ko.


Pakapal nang pakapal na rin kasi ang tao at unti-unting nawalala na yung confidence ko.


Am I going to pull this off like the last time? Or this will be my failure once again?






"I'm freaking nervous!" I showed him my free hand for him to see I am shaking.


"Don't be, you are an artist." Singit naman ni Jordan habang buhat si Meekayla. "Can I ask if that painting over there is still available?" Tanong niya tapos turo doon sa may dulo. Sinundan ko yung ng tingin.


"Wait, let me check." Sa sobrang nerbyos ko hindi ko na nakita ang partner kong si Esme kung ano na yung mga painting na naibili. Or kung meron na ba talaga. I spotted Esme talking with a man. "Esme, kamusta?"


She beamed at me. "You are amazing, Yvonne! Six paintings were already sold off!" Napakalaki ng ngiti niya kaya nadamay na rin ako. Well, this exhibit will not be possible if it were not for her... and her bossy attitude sometimes.


Nawala na rin naman yung kaba ko. "Listen, may nakakuha na ba nun?" Tanong ko sabay turo doon sa painting na tinutukoy ni Jordan kanina. It was one of my favorite pieces, at isa sa pinakamalapit sa puso ko.


"Oh, yes, yes, 'yan ang unang nabili." Paliwanag niya. "Ayun yung bumili oh." Turo naman niya sa may di kalayuan, doon sa isang lalaki na nakatalikod sa amin at tumitingin ng ibang paintings.




My heart dropped.


Hindi ko na marinig yung sinasabi ni Esme, dahil ang lakas na ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa likod na 'yon. It's him, I know it's him.






Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Where stories live. Discover now