Seben

128 5 0
                                    


9:15 am.




Nagmamadali akong lumabas ng apartment ko at marami akong nabanggang mga kapitbahay sa pagka-gaslaw ko.


"Sorry! Sorry! Nagmamadali lang kasi ako eh! Sorry! Padaan po!" Sabi ko sa bawat makakasalubong at makakabangga ko.


Hanggang sa nakabangga ko si... Eurisse. Nalaglag ko yung mga dala niyang grocery bags.


"Hala, sorry!" Sabi ko habang tinutulungan ko siyang damputin yung mga nalaglag na patatas at prutas.


"It's okay. Running late?" Sabi niya habang nakangiti. Ang pogi talaga niya. Kaya ako nabiktima nitong pogay na ito eh.



"A-ah, oo. Ahm, sige usap tayo mamaya ha. Nagmamadali kasi ako." Tapos nun tumakbo ako sa pinakamalapit na sakayan ng jeep.


9:30. Namura ko na yung orasan ko. Minsan, gusto kong ibato itong orasan na to kaya lang galing pa ito sa mommy ni Tyrone.


A pain stabbed me by the thought of his name. Galit pa din ako sa kanya dahil sa panghahalay na ginawa niya sa labi ko--


"PARA PO!" Sigaw ko sa manong driver at agad-agad na bumaba ng jeep. Nagbayad ulit ako ng entrance at hinagilap ang lalaking may hawak ng materials ko.


Kung tutuusin, pwede ko namang hayaan na yung mga gamit ko. Kaya lang, those materials were treasures for me. Yung iba galing sa mama ko noon at kay Tyrone--


Napailing ako. Tyrone na naman! Bwisit.


I checked my phone if the bastard texted me or even called me pero wala. Baka kasi lumayas na siya sa pagkabato sa sobrang tagal ko.


Hanggang sa nakita ko siya sa dating pinuwestuhan ko nung isang araw. He smiled as he made his way to me.


Inabot niya agad yung mga gamit ko. "You're late. Buti nag-stay pa ako dito ng konti. I was about to go to your apartment."


I rolled my eyes at him and made a mental note to slap my face later. Pati pala address ko nakalagay doon. Hinablot ko kaagad yung mga gamit ko at tinignan kung may kinuha o sinira siya.


They are perfectly alright. Na-miss ko sila!



"Thanks." I said half-heartedly without looking his eyes, and turned to leave.


"You're welcome. My name's Lawrence!" He called back. "Just call me Rence! I'll see you next time, Miss Deladia!"


Hindi ko siya pinansin. Umuwi na agad ako para maghanda ng lunch. I still can't believe myself na nagawa kong hindi kumain simula kagabi.


Papasok na sana ako ng apartment ko nung may napansin akong tao sa harap ng pinto ko. Dahil dun, napairap na naman ang mata ko. At sumama na naman ang pakiramdam ko.


"Yvonne." Tawag sakin ni Tyrone. "Alam kong galit ka pa. I just want to--"


Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Where stories live. Discover now