Tuwenti-Por

102 5 0
                                    



A/N: The cited lines are from the songs "This Is What You Came For" and "I Don't Wanna Live Forever" by you know who. You'll find out later guys! ;-)


_____


Three Days Later...


Alas onse na pero hindi pa rin ako makatulog. Low battery na't lahat ang laptop ko kaka-open ng wifi at mga account ko sa iba't ibang dating sites na meron ako pero hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng butihing antok.


I grabbed my phone and tried to call Eurisse. Busy. Ilang araw ko na ring hindi siya nakakausap. Palaging kami na lang ni Shiela ang nagba-bond these days. Anyare sa beks kong friend? May problema ba sila ni Jordan? Or nasa galaan silang mag-fiance? Bakit AWOL siya? Wala man lang pasabi.


I decided to make coffee and dial Shiela's number. "Hi, si Marian Rivera ito. Busy ang iyong tinatawagan. Mag-leave lang ng message after the beep—"


"Hi Marian, pakisabi nga sa friend mong si Shiela pakisagot yung tawag ko kung ayaw niyang may makalbo ako. Thanks."


Napahinga ako ng malalim.


Bored.


Naghanap ako sa contacts ko ng pwede kong tawagan. Hanggang sa dumaan ang mga mata ko sa pangalan ni Tyrone. Napangiti ako. Pero saglit lang at parang naiiyak na agad ako. Bakit ang galing niyang umalis? Nakakayanan niyang hindi magparamdam sa best friend niya ng halos isang buwan?


A part of my heart misses him so bad. Kalahati naman yung nagngingitngit sa galit para sa kanya. Ano ba naman kasing klaseng confession yun? After the revelation gora like Dora umescapade ang gaga? Ginagawa niya akong tanga!


Naghihintay ka pa ba? Hindi ba may nakapagpalaglag na ng panty mo?


Napailing ako. "Hindi ba pwedeng ma-miss ko yung kaibigan ko ng halos buong buhay ko na? Jusko utak mo Yvonne! Paki-alcohol-an! Masyadong dirty na!" Sigaw ko sa sarili ko. Narinig ko naman kung paano magulat si Junior.


"Sexyyy... preeeetty... yuuuummy..." Sabi ni Junior nang maka-recover siya sa gulat.


I gave him a pat and smiled. "Buti ka pa, you know what things to say. Yung ibang tao, wala man lang paramdam. Yung iba, sobrang daming sinasabi. Yung iba, nagsasalita pa lang sila, ang hot and sexy na..."


My thoughts were drifted away to that man again.


Lord, patawarin ninyo ako. Dala-dalawang lalaki ang iniisip ko disoras na ng gabi!


I decided to go inside my studio. Hindi ko na ito binisita simula noong gabi na nag-away kami ni Tyrone. Ewan ko pero kasi, halos lahat nang nandito sa loob ng studio ko, may memory si unggoy. Ang unggoy kong best friend.


Ano kaya ang sasabihin niya sa oras na malaman niya ang nangyaring katangahan sa akin? Will he laugh at me? Will he give me his hanky and shoulder? Will he get mad?

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Where stories live. Discover now