Terti

286 6 0
                                    



"She looks like an angel." I touched Meekayla's cheeks once more, and I was convinced that she's purely made from heaven. I smiled down at her as her eyes are fluttering while sleeping safe and soundly in his father's arms.


Saglit kong tinignan ang bestfriend kong ganap nang ama. Isang taon ang nakalipas at sobrang na-miss ko ang taong ito.


"Syempre, kanino pa ba nagmana?" Pagyayabang ni Eurisse habang hawak-hawak ang adopted daughter nila ni Jordan. Inirapan ko siya at pabirong hinapmas ang braso niya.


"Nasaan na si Shiela? Wag mong sabihing drawing na naman iyon." Irita kong sabi. "Drawing ka na nga, drawing pa siya. Minsan na nga lang akong magyaya."


"Yvonne, isang taon kang hindi nagpakita sa aming lahat. Kagabi ka lang nagparamdam at ang una mong sinabi sa text ay mag-party tayo. Seriously? Kahit ako hindi kita sisiputin." Siya naman ang umirap sa akin.


Lumapit na si Jordan at dahan-dahang kinuha si Meekayla para ilapag sa crib. It was one of the smartest moves, para saktan ako ni Eurisse. Hindi ako nakaiwas sa sabunot niya.


"Where were you for the last twelve months? Ni walang pasabi, umalis kang gaga ka. Tapos ikaw pa tong nagagalit dahil hindi kami makakapunta. Tell me, anong sininghot mo?"


Napakamot ako kung saan ako sinabunutan. "Sorry na. You know I had to get away." Matagal kaming nagkatinginan ni Eurisse, and finally, nawala na yung inis sa mukha niya. I am glad he understood the reason why I left.



"Kamusta ka naman? Ano nang ganap sayo?" Lumapit siya sa akin para hawakan yung mga kamay ko. "Gaga ka talaga, hindi mo alam kung anong mga nangyari nung umalis ka na lang ng biglaan."


Kahit na gusto kong magtanong, hindi ko magawa. I don't want to know. "Alam mong kailangan kong umalis." I forced a smile. "Dahil kung hindi, hindi ako magkakaroon ulit ng exhibit." I pulled out the invitation from my bag and hand it to him.


He studied it carefully with his wide eyes. "Oh my god, Yvonne! Big time ka na!"


"Hindi naman, naghahanap-buhay lang."


"Is this the reason why you're here?" Tanong niya.


"Oo naman. At dahil na-miss ko na rin kayo ni Shiela."


"Busy 'yon sa jowa niya ngayon, nasa Tagaytay sila." Inirapan ako ni Eurisse. "So sa Sunday, then? Don't worry, pupunta kami ni Jordan." He gave a sweet knowingly smile to his husband. Tapos binalik niya yung tingin sa akin. "Alam kong kating-kati kang malaman kung anong nangyari kay Arc—"


"Please," pagpupumilit ko habang umiiling. "That's the last thing I want to know."


Tinaasan niya ako ng kilay. "I am your friend, Yvonne. Kaya sasabihin ko pa rin." Bumuntong-hininga na lang ako habang kinukwento niya.


Ayon sa kwento niya, noong araw na umalis ako, umalis na rin si Arc. But he always visited the building twice a week. Hinahanap niya rin ko kina Eurisse hanggang sa tumigil na siya at nagsawa. The mention of his name made my heart fail. Kamusta na kaya siya? Nasaan na kaya siya? Masaya ba siya?



Nagpumilit si Eurisse na doon ako mag-stay sa bahay nila kaso hindi ako pumayag. Sayang naman ang pag-check in ko sa hotel kung hindi ko gagamitin. Isang oras din ang inabot ko bago ako makarating ng hotel. Nakaligo na ako noong naalala kong may nakalimutan akong imbitahan.


Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Where stories live. Discover now