Nagulat ako nung may nagbato sa akin ng kalendaryo. "Go check." Sabi ni kuya mong baklang Tyrone. Inirapan ko siya. Oo nga. April 17, birthday ko nga.


Susme, isa na akong ganap na matured person!


Well, kasi, I have this paniniwala na matatawag lang ang isang tao na matured person kapag nakalimutan niya ang araw ng kapanganakan niya. At ngayon, promise nakalimutan ko talaga yung birthday ko dahil sa pagkaabala ko. Meaning nun, matured na talaga ako.



"Actually, na-intriga lang talaga kami ni Jordan nung nakita namin ang commotion dito sa baba. Then, dun lang rin namin nalaman na beerday mo pala." Sabi ni Eurisse, sabay tingin niya kay Tyrone.


Trenta y uno na ako. Anong ganap sa lovelife?


"Blow the candle, Yvonne." Sabi ni Tyrone. Matagal kaming nagkatinginan bago ko hinipan yung kandila. Alam kong tatanungin niya yung wish ko.


Kaya inunahan ko na siya. "Wish ko yung dati pa rin. Sana may magkamali sakin."


Thirty years na kong pumipikit habang nagwi-wish, pero this time na dinilat ko talaga yung mga mata at tinignan lang si Tyrone. Sana mahanap na namin ni Tyrone ang magmamahal sa amin ng bongga. Ang tatanda na namin para maging loveless!


"Anong hinihintay natin? Ang tunay pagkabuntis ng birthday bebegerl? Party na us!" Sigaw ni gagang Eurisse. Wow. Akalain mo yun, nagparty kami nang hindi man lang ako nage-effort na maghanda ng kung ano.


Masaya, maingay, at masarap ang kinahantungan ng surprise birthday party nila sa akin. Gabi na at tumutugtog pa rin ang playlist kong puro Taylor, Gaga, at Grande. Isa-isa na ring nawala ang mga butihin kong bisita. Nagumpisang magpaalam si Mrs. Mendez at si tita Minerva. So meaning, kaming mga bagets na lang ang natira para sa challenge na ubusin yung isang case ng beer.


Knowing the bad side of drinking too much alcohol, pinaubaya ko na kina Tyrone, Eurisse and company yung challenge. Dalawang bote pa nga lang hilong-hilo na ako. Hindi na kaya ng powers ko. Baka mamaya ma-rape ko lahat ng may lawet dito. Syet lahat pala sila meron!


"Happy birthday.... Biiiiiiirthday..." Hirit ni Junior. Nilapitan ko na lang si bebe bird ko tapos hinimas-himas.


"Thank you baby! Love talaga kita eh!" Sabi ko.


"That will be her life after thirty kung hindi pa siya maguumpisang maghanap." Sabi ng bagong kontrabida sa buhay ko. "Really, Yvonne? You want to spend the rest of your life sa paghihimas ng birdie mo at hindi birdie ng iba?" Aba ang galing talaga ni Eurisse.


That earned a laugh from everyone. Maski nga si Sky at Jordan natawa eh. Pero ang pinakamalakas ay kay unggoy. Imbis na si Eurisse ang batuhin ko, kay Tyrone ko naihagis yung tsinelas ko. "Birthday ko ngayon. Wag kayong manira ng mood. Mga leche kayo." Sabi ko habang iniirapan yung unggoy.


"Well, Yvonne, if you really want to get laid, my bro is still free here. We still cannot see the improvement between the two of you." Sabi ni Jordan. Lahat kami napatingin kay Sky.

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Where stories live. Discover now