"Oh, mga apo, here's the painter that I've been talking about. Si Yvonne. Yvonne, meet my beautiful grand daughters, Macy, Trixie, Lucy, Bambi and Louie. Anak sila ng panganay kong anak na... na nasa heaven na."


Nginitian ko yung limang diwata. Pero parang mga isnabera sila.


"And here's the photographer, ang friend ni Yvonne, si Lawrence." At talagang hinuli pa ni Maam ang intro kay Lawrence ha. Pinanood ko yung mga reaksyon ng mga babaeng diwata. Luluwang ng mga ngiti. Edi go!


"Ahm, upo muna kayo. I'll get something to drink." Sabi nung Louie.


"Ah, ako naman ang bahala sa pagkain. Wait here, okay?" Sabi naman ni Mrs. Mendez. Umupo kami sa isang couch na kasya ang dalawang puwet. Nilingon ko si Lawrence na may tinititigan habang nakangiti.


"Huy, mga bata pa yung apo ni Maam. Umayos ka." Siniko ko siya.


"What?"


"Makatitig ka wagas. Kadiri ka." Sabi ko. That earned a laugh from him. Tapos nun ngumiti siya ng parang aso. "Eww. I didn't know you're into teens."


"Hindi naman yung mga babae yung tinitignan ko. Yung mga paintings mo." Tapos tinuro niya yung mga naka-frame na paintings ko na nakasabit sa dingding sa likod nung mga diwata. "Your hands are incredible, Yvonne."


"Palusot mo luma na." Sabi ko. Sure akong sinisipat niya ng tingin 'yung mga dalaga ni Mrs. Mendez eh!



"Why, are you jealous?"


Inirapan ko siya ng malala. "Excuse me, hindi ako nagseselos—"


"You should not be." Seryosong sabi niya. "I'm only yours." Bigla akong napatayo sa sinabi niyang kakornihan. Ayoko sa lahat nung ganito eh. Ang arte arte ng buhay niya talaga and that's one of the reasons why there is something off about him. 


Ewan ko ba. Imbis na kiligin ako, naiinis ako dahil may kung anong feeling ako na hindi lang niya sa akin sasabihin iyon. Sasabihin niya yun kahit kanino na nakapalda at may Bataan. Chickboy alert. Amoy na amoy kita!



"Ahm, cr muna ko." Sabi ko. Nagulat ako nung tumayo yung Macy.


"Hatid na kita." Sinamahan niya akong pumunta sa cr. Medyo malayo ang cr. Kapag mayaman kailangang malayo ang mga kwarto at cr? Iba to. Hinawakan niya yung kamay ko nung papasok na ako sa banyo.


"Ahm, bakit?" Sabi ko.


"Hindi mo naman siya gusto, wag mo na siyang paasahin."


"Ha? Sino?" Bigla akong nakaramdam ng takot. Baka mamaya may apo si Maam na weirdo at emo-emo. Saktong nakatitim pa naman siya ngayon. Naku ganito yung napapanood ko sa mga horror movies.


"Yung kasama mong si Lawrence. Wag mo na siyang paasahin."


Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon