I lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul.
But just like any other species, it struggles in a incompatible environment.
And so, instead of being a shadow, living quietly and sorrow, I made myself as a sun, and made a w...
Pagkatapos ay kinuha ko ang regalo na kulay black and pink na kulay.
Ngumiti naman sya at inakbayan ako.
"That's my girl. "Nakangiting sabi nya.
Pagkatapos nyang sabihin yun ay inayos ko ang buhok nya.
Bakit ba laging magulo ang buhok nito. Teka, eh ganun din naman ako ahh. Tssk. Never mind.
Pagkabukas ko sa regalo nya ay nakita ko ang usang kulay pink na kwintas.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Reyah, ayan nga pala yung protection charm.wala na talaga yun sa Crystalia, binigay na yan sakin dati pa.
Dahil nung bata pa ako ay ibinigay na yan sakin ni Prinsesa Mavis dahil ako ang nakakita ng pangyayari. Pero di ko sya sinusuot dahil ayan ay dalawa. Hindi yan gagana kapag isang tao lang ang gagamit ng dalawang kwintas. "
Pagkasabi nya nun ay tinignan ko ulit ang kwintas.
Ano ba yan akala ko sasabak kami sa laban. Pero okay na rin yun.
"Reyah, gusto ko na wag mo yang tatanggalin." Sambit nya na seryoso.
Nag nod na lang ako. Tssk. Paano na yan ayaw ko pa naman din sumama sa ball.
Pagkatapos nyang sabihin yun ay isinuot nya na sa akin ang kwintas. Yung kanya naman ay kulay blue. Pagkalagay nya sa akin ay itinago ko ito sa damit ko.
Pagkatapos ay tumayo sya at inilagad ang kamay nya sakin. Kinuha ko naman ito at tumayo na. Pagkatapos ay umalis na kami sa garden.
Nang malapit na kami sa building ay nakapila pa rin ang mga lalaki.
Ng makita nila na may hawak aong box ay nalungkot sila at umalis na.
Yung iba naman ay napa kamot sa ulo at yung iba ay napahawak sa batok nila.
"Master!!!!" Sigaw nilang lahat maliban kay Fred.
"Master alam mo ba na si prinsesa ay ....." Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng makita nya na may hawak akong regalo.
"Prinsesa!!!! May regalo ka!!!"gulat na sambit ni Burn
"Kanino galing??!!"sambit naman ni Laxus
"Oo nga!!!!"pag sang-ayon naman ni Skie
"Syempre kay Master! Kaya nga black ehh!"sambit naman ni Jellal
"Congrats Prinsesa."nakangiting sambit ni Dwayn
Napakamot naman sa ulo sina Skie, Laxus at Burn.
"Sige na nga. Dahil ako naman ang pinaka gwapo sa ting lahat at si Burn ang pinaka pangit ay pumapayag na akong si Master ang kapartner mo."naka chin up na sambit ni Skie
"Hoy!!! Anong pangit!!! Baka ikaw!pati nakapag salita ka ehh wala ka namang magagawa kasi kasintahan nya si Master!"sigaw naman ni Burn
"Oo nga!!"pag sang-ayon naman ni Laxus
Habang nagtatalo sila ay biglang nag bell.
"Yun!!! Nag bell na!!"Nakangiwing sambit ni Skie
"Let's make a deal. Kung sino ang mahuli ay ang magiging ugok sa grupo. Game??? "Nakangiwing sambit ni Skie.
"Game." Sambit ni Burn
"Game."sambit din ni Laxus
Nag thumbs up naman ang lahat.
"1....2.....3......GO!!!"sigaw ni Skie
AUTHOR'S NOTE
HI READERS!!!,SORRY PO SA MGA WRONG TYPOS.HINDI KO NA PO KASI MINSAN NA EEDIT DAHIL GUSTO KO PO NA MABASA NYO NA AGAD.