Lumabas ako ng banyo ngunit wala pa rin si Harvey. Anong oras ba siya uuwi? Tiningnan ko ang orasan na nasa bed side table. Alas nuwebe na nang gabi ngunit wala pa rin siya.

Kinuha ko ang mga damit sa kama at inilagay iyon sa isang cabinet na walang laman. Dyan ko muna ilalagay ang mga damit ko. Mukhang hindi niya naman ginagamit ang cabinet na 'yon. Pagkatapos kong maayos ang damit ko sa cabinet ay humiga na ako sa kama at niyakap ang isang unan.

Nagising ako nang madaling  araw ngunit wala pa rin sa tabi ko si Harvey. Hindi pa ba siya nakauwi? Bumangon ako at naglakad papunta sa may pintuan. Pupunta ako sa may kusina para uminom ng tubig. Dahan-dahan pa ang pagbaba ko sa kay hagdanan para hindi maka likha ng ingay.  Pero laking gulat ko nang may nakita akong isang lalaki na nakatayo sa may sala. Muntik pa akong sumigaw dahil akala ko ay multo.

"Ma'am Abigael, bumalik po kayo sa kwarto niyo." Sabi ng tauhan ni Harvey na nagbabantay.

"Kuya, iinom lang po ako ng tubig." Paalam ko.

"Okay po, ma'am. Samahan na po kita." Sabi niya. Naglakad na ako papunta sa kusina at nakasunod naman ang tauhan ni Harvey.

Nang makarating ako sa kusina ay kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Sa may pintuan lang ang tauhan ni Harvey habang ang mga kamay ay nasa likod. Ang tibay naman niya sa puyatan. Hindi ba siya inaantok?

"Wala pa po ba si Harvey?" Tanong ko nang matapos na akong uminom ng tubig.

"Wala pa po, ma'am." Sagot niya.

"Saan ba siya pumunta?" Tanong ko.

"Bawal pong sabihin, ma'am." Sagot niya. Hindi na ako muling nagtanong pa. Wala rin naman akong makukuhang sagot mula sa kanya.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na muli ako sa kwarto at ipinagpatuloy ang pag tulog

Kinaumagahan, maaga akong gumising dahil nakasanayan ko ng gumising talaga ng maaga. Wala pa rin si Harvey. Umuwi ba siya? Bumangon na ako at naghilamos ng mukha at pagkatapos ay nag-ayos ng sarili at pagkaraan ay bumaba lumabas na ng kwarto.

Ngayon ko na sisimulan ang plano ko. Ang makuha ang loob ni Harvey. Papaniwalain ko siyang hindi ako tatakas. Pagbaba ko ng hagdan ay may nakatayo pa rin sa sala ngunit ibang tao na naman. Ngunit halata sa mukha niya ang antok.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong niya na parang inaantok.

"Magluluto po ako sa kusina, kuya. Mabuti po siguro matulog po muna kayo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi po ako pwedeng matulog, ma'am." Sagot niya.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Baka po kasi pagalitan ako ni Sir Harvey kapag nakatakas kayo." Sagot niya.

"Hindi naman po ako tatakas." Sagot ko.

"Huwag niyo po akong alalahanin, ma'am." Sabi niya. Halatang pipikit na ang mga mata dahil sa antok.

"Kuya, baka po gusto niyo ng kape?" Tanong ko.

"Sige po, ma'am. Salamat po." Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad na papunta sa kusina. Naghanap ako ng pwedeng timplahing kape. Iyon bang matapang para naman mawala ang antok ni kuyangvnagbabantay sa akin. Nang may mahanap akong kape na puro ay tinimpla ko 'yon at nilagyan ng kaunting asukal at mainit na tubig. Agad kong dinala iyon sa tauhan ni Harvey.

"Maraming salamat po, Ma'am Abigael." Sabi niya at tinanggap ang kape na timpla ko.

"Walang ano man po. Mag kape ka lang po r'yan, kuya. Magluluto lang ako sa kusina." Paalam ko at bumalik na sa kusina.

Binuksan ko ang ref at nagbabaka sakali na may mahanap ako na pwedeng lutuin. May nakita akong hotdog doon at saka itlog kaya iyon na lang ang kinuha ko. Puro kasi mga alak ang laman ng ref niya. Kaunti lang ang pagkain.

Pagkatapos kong balatan ang mga hotdog ay agad ko ng niluto. Nang matapos ay sinunod ko ang itlog. Kung bibigyan ko ba ng pagkain ang mga tauhan ni Harvey ay kakainin kaya nila? Ako ang naaawa sa kanila.

Patapos na ako sa pagluto ng itlog nang may brasong pumulupot sa aking baywang na ikinagulat ko.

"Good morning, love." Halatang kagigising niya lang dahil sa paos niyang boses. At tumaas lahat ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg.

Ibig sabihin ay nakauwi siya kaninang madaling araw? O ngayon lang siya nakauwi? Bakit wala siya sa higaan kanina? Agad kong nilipat sa pinggan ang niluto kong itlog.

"G-good morning. G-gusto mo ba ng kape? Teka, ipagtitimpla kita." Natataranta kong sabi. Pinatay ko ang kalan at kinalas ko ang mga braso niyang nakayakap sa baysang ko at lumayo sa kanya. Para kasi akong nakukuryente sa pagkakahawak niya sa 'kin.
Kumuha ako ng baso at nag timpla ng kape niya. Paraan ko lang 'to para makawala sa pagkakayakap niya. Naiilang kasi ako sa tuwing niyayakap niya ako. Hindi ako sanay na may yumayakap sa akin.

Nang matapos na akong mag timpla ng kape niya ay tumingin ako sa kanya. At nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

"Bakit?" Nahihiya kong tanong.

"Nothing. Hindi lang ako makapaniwala na tinimplahan mo ako ng kape." Nakangiti niyang sagot.

"Pinag timpla lang kita. Huwag mong bigyan ng malisya 'to." Sagot ko.

"Wala akong pakialam kahit maliit na bagay lang ang ginagawa mo para sa 'kin." Sagot niya.

Ibinigay ko ang tinimpla kong kape sa kanya. Umupo naman siya sa bakanteng upuan habang hinihintay akong umupo rin sa tabi niya. Nang kompleto na ang mga gamit sa lamesa ay umupo na rin ako sa tabi niya.

"Let's eat." Sabi niya at nilagyan na naman ng kanin ang plato ko at sunod ay ulam.

Habang nagsasalin siya ng kanin sa kanyang pinggan ay napatingin ako sa mukha niya dahil may nakita akong sugat at pasa roon. Anong nangyari sa kanya? Bakit ang dami niyang sugat?

"A-anong nangyari sa mukha mo? Bakit ang dami mong pasa at sugat?" Nagtataka kong tanong. Huminto naman siya sa pag sandok ng kanin niya.

"Wala 'yan. Huwag mo na lang pansinin." Sabi niya at kumain na. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya kagabi? Bakit late na siya umuwi? Ano ba ang itinatago mo, Harvey Sandoval?

Hindi na ako nagtanong pa muli. Kumain na lang din ako. Baka mamaya ay makulitan na siya sa akin at kung ano pa ang gawin niya.


Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon