His Personal Wife - 12.

Mulai dari awal
                                    

"Hindi ako nag-book ng kahit anong hotel DJ. May beach house ako dun."

"Meron kang beach house? Yung sarili mo?"

"Oo. Naaalala mo ba yung deal natin dati?"

"Hindi."

"DJ, dati nagpromise tayo na kung sino ang unang makabili ng beach house with his/her own salary, siya magbibigay ng punishment sa natalo. Eh nauna akong bumili. Wala ka pa namang beach house diba?"

"Hindi nga ako nakakaalala diba?"

"Exactly my point! Wala ka pang beach house. Ako meron. With my own salary. Kaya ang punishment ko sayo ay sumama ka sakin sa trip na 'to. Okay?"

Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.

"Kath, bakit ba gustong-gusto mo sa Tagaytay?" seryoso niyang tanong.

"Kasi dun ka umamin na gusto mo ko. At least, alam ko, na totoo na merong 'tayo' dati. Na hindi lang 'to simpleng panaginip lang na biglang mawawala."

Natahimik siya bigla.

"Sige na nga. Sama na ko. Tayong dalawa lang ah."

Napangiti ako. "Oo, tayong dalawa lang."

"Bukas na ba? Ako na lang magddrive papunta dun. Bigay mo lang address ha?"

"Teka, alam mo ba papunta dun?"

"May GPS naman sa kotse ko. Anong oras ba tayo aalis? Dadaan muna kasi ako kela lola. May bibigay lang akong gamit."

"Mga 2PM? Para mga 4PM nasa Tagaytay na tayo."

"Sige. Tapos na ako kumain. Thanks ulit dito Kath ha? Tulog na tayo?"

"Huhugasan ko na muna 'to." tumayo na ako nun at kinuha yung pinagkainan niya.

His Personal Wife - Book 2.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang