Chapter 50 - Launching ( Part 2 )

Magsimula sa umpisa
                                    

2030-55N90E

 

Kinakabahang tinignan ko ang suot kong relo. "Ano yan?" Sh*t!

Milka's PoV

"Yeah I'm fine with this"

 

"You sure? Aish. Ang tagal naman nila"

 

Nakatalikod sa akin ang dalawang babae na parehas nakasuot ng eleganteng gowns. If I'm not mistaken, ito yung Fiona Stonehurst at Sabrina Swansea na sinasabi ni tita Alyana.

Naglakad ako papalapit sa kanila "What a stupid girl!" Fiona exclaimed nung mabangga ko sila.

Tumayo ako mula sa pagkaka-dive ko sa sahig. Buwis buhay naman kasi tong naisip ko eh. "Sorry for being clumsy" sabi ko sa kanilang dalawa. "You should be! Look what you did to our dress!"

 

"The nerve of that girl to make a scene!" bulong nung Sabrina.

Nagsorry ulit ako, before I excused myself. Madami-dami na kasing tao ang nakatingin sa amin.

I walked out with a smile hidden in my lips. Successful kasi ang plano kong lagyan silang dalawa ng tracker. Sayang naman ang buwis buhay kong stunt kanina kung hindi no!

"Anong ginagawa nya doon?" buong pagtatakhang bulong ko habang nakatingin sa direksyon nung lalakeng makulit. Nagdadalawang-isip pa ako kung lalapitan ko sya. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa harap na nya.

 

"Ano yan?" Inagaw ko ang maliit na papel na hawak nya. "2030-55N90E?" puno ng tanong isip ko kung ano ang ibig sabihin non. "Sshh. Wag kang maingay baby." Hinawakan nya ang kamay ko at hinatak. Ngayon ay sabay na kaming naglalakad. "S-saan tayo--"

 

Mabilis nya akong isinandal sa pader, and pinned both of my hands. He leaned himself closer to me, kasabay ng pabilis na pabilis na tibok ng puso ko. "I need you" puno ng sinseridad ang mga mata nya nung sinabi nya yon. Habang palapit ng palapit ang muka nya sa mukha ko. "You--what?!" tanong ko, pinipilit kong igalaw ang mga kamay ko na hawak nya but I can't. Masyado syang malakas para--"Lumayo ka nga!" sigaw ko sa mukha nya. Ilang inches na lang kasi ang pagitan mahahalikan na nya ako.

"Pfft" Binitawan nya ang mga kamay ko at inilayo ang katawan nya sa'ken. May sira ba sa utak ang isang to?

"Tulungan mo ako." He looked at me once again with those eyes na pakiramdam ko hindi ko kayang tanggihan. "Ayoko" matigas na sabi ko.

--

"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang isang maliit na flashlight para ilawan yung kung anong kinakalikot nya. "It's a bomb, and I'm defusing it."

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon