Kinuha naman ni Freyal ang pagkakataon para kalagan si Drake.

"Okay ka lang ba?", tanong ni Freyal kay Drake.

" O-Oo.", Drake.

Pero bago pa tuluyang matanggal ni Freyal ang pagkakatali ni Drake sa upuan ay may humawak na sa kanya, ikinulong nito ang leeg niya sa pamamagitan ng braso nito sabay tutok sa leeg ni Freyal ng kutsilyo, ganun din ang ginawa ng kasama nito kay Drake.

[Rie's POV]

Napabagsak na namin ni Blaze ang ibang kalaban kaya akala namin ay tapos pero...

"Teacher."

Nilingon namin ni Blaze ang tumawag sa akin nanlaki ang mga mata ko dahil hawak ng dalawang lalaki sila Freyal at Drake, may nakatutok sa leeg ng dalawa kong estudyante na kutsilyo.

"Kung ako sa iyo hindi na ako lalaban dahil baka madulas ang kamay ko at maitarak ko ito sa dalawa mong pinakamamahal na estudyante.", sabi ng isang lalaki.

Tumayo isa-isa ang mga napabagsak na namin kanina at may naglitawan pa na iba.

Mukhang hindi pangkaraniwang mga gangster ang mga ito.

Hindi ko magawang makalaban dahil kapag lumaban ako sigurado akong hindi magdadalawang isip ang dalawang ito na butasin ang leeg ng dalawa kong estudyante.

" Napakatapang mo naman para sa isang guro, Teacher! Bakit hindi ka nalang sumama sa akin at maging reyna ko?", sabi nito.

"Reyna? Tss kung ikaw lang naman ang hari 'wag na!", sabi ko dito.

" Aba matabil din ang dila mo, Teacher. Pero dahil maganda ka pagbibigyan kita. Bibigyan kita ng dalawang choice, maging asawa ko at pakakawalan ko ang mga mahal mong estudyante o tatanggihan mo ko pero mamamaalam ka na sa iyong mga estudyante? Mamili ka, Teacher."

Anak ng---- mukha kailangan kong piliin ang unang choice ah pero paano si Pito?

"Eh kung ako kaya ang magbigay sa'yo ng choice?"

Napakunot-noo kami ni Blaze sa narinig naming boses. Pamilyar sa akin ang boses na 'yon!

Nakita kong bumagsak ang lalaking may hawak kay Drake.

"Yo!"

Nanlaki ang mga mata namin ni Blaze ng makita naman ang lalaking umalalay kay Drake.

"AERON!", sabay naming sambit ni Blaze.

Nginitian kami nito sabay harap sa lalaking may hawak kay Freyal.

" Bibitawan mo ang kapatid ko o bibitawan mo?", sabi nito sa lalaki.

Teka, pareho lang 'yon ah....

Binitiwan ng lalaki si Freyal agad naman lumayo si Freyal sa lalaking may hawak sa kanya kanina at lumapit kay Drake.

Lumakad palapit sa amin ni Blaze si Aeron kasama sila Freyal at Drake.

"Opps 'wag ka ng lilingon baka mangati ang daliri ko at makalabit ko ang baril na hawak ko, ikaw rin."

"Hay naku wala na bang kalaban diyan? Bitin naman!"

Napalingon ako sa nagsalita, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sila Louie,Gray, Kaiser at Channe. Nakaupo si Channe sa tiyan ng isa sa mga kalaban, si Kaiser naman ay nakasandal sa pader at ganun din si Louie habang si Gray naman ay tinutulungan si Diego na tumayo.

"Mukhang malala ang tama ng isang 'to!", sambit ni Gray.

Teka kung nandito ang anim na 'to ibig sabihin... ibinalik ko ang tingin sa lalaki na nasa likuran ng lalaking may hawak kanina kay Freyal.

Nakita ko nalang na bumagsak ang lalaki na mataba.

" Walang pwedeng magpakasal sa girlfriend ko kundi ako lang! Tandaan mo 'yan, Taba!", sabi ng lalaki sabay tadyak sa walang malay na lalaki na nakahilata sa sahig.

Siya nga! Ang Pito ng buhay ko!

Siya nga! Ang Pito ng buhay ko!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

* * *

Waaaaaah dumating na si Pitooooooo!!!! Kyaaaaaah!!!!

Teacher Rie S2Where stories live. Discover now