Chapter 45

264 23 5
                                    

THIRD PERSON's POV

"Ah!", sambit ni Diego na ikinalingon ng lahat ng kaklase niya sa kanya.

"Bakit?", takang tanong ni Freyal dito.

Imbes na sumagot ay iniharap ni Diego ang cellphone niya sa  mga kaklase niya at nagulat ang mga ito sa napapanood na balita. Balita ito tungkol sa pagkakahuli sa taong nakabangga sa kababata ni Kieth, dahil sa sobrang tuwa nila sa napanood na balita ay napasigaw silang lahat.

"Napanood na kaya 'to ni Kieth?", tanong bigla ni Drake na ikinatahimik nilang lahat.

"Sa tingin ko...", sambit ni Alex na ikinalingon nilang lahat dito. "Hindi pa ata siya umuuwi, nagpunta kasi ako sa kanila kanina bago pumasok para isauli yung magazine na hiniram ko sa kanya kaso sabi ng Tita niya hindi pa daw siya umuuwi, alalang-alala nga Tita niya eh."

"Anong gagawin na'tin?", tanong ni Blake.

"Hanapin na'tin si Kieth.", saad ni Freyal sabay takbo palabas ng classroom nila kasunod ang ibang 4D.

Dumating na din ang bagong janitor na inaasahan ni Principal noong nakaraang linggo pa kaya eto siya at tinutour ito sa buong school at tinuturuan ng mga dapat niyang gawin, habang naglalakad sila sa lobby ay nakita nila ang buong 4D na tumatakbo pa punta sa kinaroroonan nila,susuwayin na sana niya ang mga ito kaso dinaanan lang siya ng mga ito.

"Hoy, 4D! Bumalik kayo dito!", sigaw ko sa mga ito pero hindi na siya ng mga ito narinig kaya napabuntong-hininga nalang siya.

----

KIETH's POV

Kasalukuyan akong nakaupo lang sa isa sa mga swing dito sa playground malapit sa village kung saan naroroon bahay ng Tita ko, hindi pa ako umuuwi simula kagabi at alam ko na hindi rin naman ako hahanapin ng Tita ko, wala siyang pakialam sa akin. Magmula ng mamatay ang Mama ko at magkaroon ng ibang pamilya Papa ko sa Tita ko na ako tumira, hindi naman masama pakikitungo niya sa akin siguro ako lang itong nilalayo loob sa kanya.

Ayoko na kasing maiwan, ayoko ng mag-isa. Alam ko na kapag grumaduate na kaming lahat doon na matatapos pagkakaibigan namin at si Rie... makakalimutan niya rin kami sa oras na magkaroon siya ng bagong mga estudyante at ang Tita ko? Iiwan niya din ako sa oras na ikasal siya sa lalaking makakatagpo niya sa tamang panahon. Mas okay ng maaga palang ay ilayo ko na sarili ko sa kanila.

"Andito ka lang pala."

Napatingin ako sa nagsalita, si Tita Trisha pala. Ibinaling ko ulit tingin ko sa lupa, umupo naman si Tita sa katabi kong swing.

"Tama nga ako na dito kita mahahanap.", sambit niya sabay buntong-hininga. "Dito ka kasi pumupunta kapag napapagalitan kita.", pagtutuloy niya.

"Hindi mo naman ako pinagalitan.", mahina kong sambit sakto lang para marinig niya at narinig kong humagikhik siya.

"Oo kahit na-suspend ka ng 1 week.", saad niya sabay tawa na dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Kieth, kapatid ko ang nagluwal at nagpalaki sa'yo kaya alam ko na kagaya niya mabait kang bata at alam ko rin na hindi ka gagawa ng isang bagay ng walang mabigat na dahilan at masaya ako dahil iyon din ang nakita ng Homeroom Teacher mo sa'yo.", pagtutuloy niya.

"Anong kinalaman niyo dito?", kunot-noo kong tanong kay Tita.

Sasagot na sana si Tita ng bigla dumating sila Freyal at ang iba pa sa kinaroroonan namin ni Tita, hinga na hingal ang mga ito.

"A-Anong ginagawa niyo dito?", kunot-noo kong tanong sa kanila.

"Napanood mo na ba 'yung balita?", tanong ni Diego sa akin.

"Anong balita?", taka kong tanong pabalik.

"Nahuli na daw 'yung nakasagasa kay Dex!", sagot ni Win na ikinabigla ko.

"To-Totoo ba?”, wala sa sariling tanong ko.

"Oo! Dadalhin na daw sa police—", hindi ko na pinatapos pa sa sasabihin niyo si Blake, agad akong tumakbo papunta sa Police station habang nakasunod sila sa akin.

"Uy, Kieth!", tawag ni Freyal sa akin habang tumatakbo sa likod ko.

Ng marating namin ang Police Station ay nakita ko si Rie na nandoon at kausap ang dalawang police at kasama niya yun lalaki sa ice cream shop.

"Napakaswerte mo sa Teacher mo, Keith. Siya ang dahilan bakit nahuli ang taong nakasagasa kay Dex, sa bestfriend mo. Hindi siya tumigil hangga't hindi niya ito nahahanap.", ani ni Tita sa akin dahilan para maluha ako.

Ngayon alam ko ng hindi ako nag-iisa, lahat sila hindi ako hinayaan. Lahat sila nag-alala sa akin, lahat sila may pakialam sa akin. Nagkamali ako nà isipin na iiwan din nila ako. Sobrang mali.

----

RIE's POV

Nagpasalamat ako kay Ero at sa kasama nitong police dahil sa tulong nila sa amin ni Milo na mahuli iyong taong naging dahilan para malungkot ang isa sa mga estudyante ko at nagpaalam na rin kami ni Milo, nagulat nalang ako ng makita ko sila Kieth sa may parking lot ng Police Station pagkababa ko ng hagdan.

"Kieth.", sambit ko.

Nagulat nalang ako ng tumakbo papunta sa akin si Kieth sabay yakap, yumuyogyog ang balikat niya...umiiyak ba ang batang 'to? Umiiyak nga may naririnig akong hikbi eh. Maya maya pa ay humiwalay na ito ng yakap sa akin sabay yuko na ikinagulat ko.

"Salamat!", sambit nito na ikinagulat ko.

"Kieth.", tangi kong nasambit saka ako napangiti, tinapik ko balikat niya.

Tumayo ito ng tuwid habang pinupunasan luha niya, nginitian ko siya. "Di'ba sabi ko sa'yo ako ng bahala? Kapag sinabi ko gagawin ko 'yun lalo na kung para sa inyong mga estudyante ko. Ang kaligayahan niyo ang importante sa akin, tandaan niyo 'yan.", pagtutuloy ko.

"Salamat, Ms. Sawada.", sambit ng Tita ni Kiet na sinuklian ko ng ngiti.

----

THIRD PERSON's POV

"Clear!"

Still no response...

"Clear!"

Still no response...

"Clear!"

And doon na umalingawngaw sa buong silid ang tunog na indikasyon na narevive ang taong nakahiga sa kama.

"That was close.", saad ng Doctor.

Balisa naman sila Rain at Reiko sa labas ng emergency room habang naghihintay sa paglabas ng doctor. Pabalik-balik sa paglalakad si Rain habang si Reiko ay nakaupo at malalim na nag-iisip. Maya-maya pa ay lumabas na mula sa emergency room ang doctor, agad itong nilapitan nila Reiko at Rain.

"Doc, kamusta siya?", tanong agad ni Rain dito.

"The patient is stable now. Pero hindi pa rin siya nagkakamalay. We still need to monitor him. Mauna na ho ako.", sagot nito sabay alis.

Naiwang tulala si Rain at Reiko saka sabay na napabuntong-hininga at para silang nabunutan ng tinik ng malaman na stable na si Seven.

"Ku-Kuya.", wala sa sariling sambit ni Rain.

"Sa tingin ko kailangan na niyang malaman ang totoong nangyari kay Seven.", saad ni Rieko.

"Pero, Kuya bilin sa atin ni Seven na siya mismo ang magsasabi kay Rie.", paalala ni Rain sa Kuya niya.

"Pero paano kung...kung...kung hindi na siya magising?!", naluluhang saad ni Reiko dahilan para matigilan si Rain.

Napaupo nalang si Reiko sa sahig na humahagulhol. Hindi niya alam kung anong gagawin, paano nila ito sasabihin kay Rie. Paano nga kung mangyari kinatatakutan niya na tuluyan ng hindi magising si Seven sobrang masasaktan si Rie.

---

Teacher Rie S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon