Chapter 49

157 6 0
                                    

DIEGO

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, ang sakit ng ulo ko ano bang nangyari? Ng tuluyan ko ng maimulat ang mga mata ko ay bumungad sa harapan ko ang isang lalaki, kalbo ito, may mga hikaw sa tenga at sa labi nito at may tattoo ito sa leeg nito, isang ahas na itim. Sa totoo lang nakakatakot ang itsura niya, pero mas lalo akong natakot ng makita ko ang baril na hawak nito.

"Mabuti naman at gising ka na." Nakangising sambit nito.

"Si-Sino kayo?" Nauutal kong tanong dito.

"Hindi mo na kailangang malaman pa, isang bagay lang ang dapat mong malaman. Napakalaki ng kasalanan sa amin ng Nanay mo." Sagot nito na ikina-kunot ng noo ko.

"A-Ano—"

"Itinakbo ng Nanay mo ang pera namin." Putol nito sa sasabihin ko.

"Ano naman pakialam ko sa ginawa ng magaling kong Nanay sa inyo?" Walang emosyong tanong ko sa mga lalaking nasa harapan ko.

"Siyempre anak ka niya at walang nanay na matitiis ang sariling anak." Nayayamot na sagot ng lalaking nasa harapan ko.

"Hahaha malas niyo lang dahil walang pakialam sa akin ang babaeng iyon. Nagawa nga akong iwan para sa isang lalaki eh." Sambit ko.

"Malas naman pala kung ganun. Kung ganun wala ka na palang kwenta sa amin. Ano kaya ang pwede naming gawin sa'yo." Nag-iisap na sambit ng lalaki na nasa harapan ko.

Bigla akong kinabahan sa sinabi ng lalaki, dahil sa mga itsura palang ng mga ito ay halatang hindi ito mag-aalangang gumawa ng masama o maski matakot manlang na patayin ako, napalunok nalang ako sa isiping baka ito na ang huling oras ko dito sa mundo.

---

REIKO

"Rie, open the door. Mag-usap tayo." Tawag ko dito habang kinakatok ang pintuan ng kwarto nito ngunit wala akong naririnig na sagot mula dito.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa totoo lang hindi ko naman siya masisisi dahil imbes na sabihin ko sa kanya agad ang totoong kalagayan ni Seven ay mas pinili kong itago ito sa kanya pero ah ewan hindi ko na alam.

"Boss."

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Yo, may dala itong isang baso ng gatas, sinabihan ko siya na iwan nalang niya ito sa may pintuan ng kuwarto ni Rie at takpan niya lang na sinunod naman nito sabay sunod sa akin paalis. Ng maabot naming ang sala ay bumungad sa amin ang isa sa mga estudyante ni Rie, tumayo ito ng makita akong palapit sa kanya.

"Sorry kung bigla bigla akong pumunta ditto ng walang sabi pero kailangan kong ipaalam kay Rie ang tungkol kay Diego." Balisa nitong sabi sa akin.

"Anong nangyari?" Agad kong tanong sa kanya.

"Kagabi kasi tinawagan niya ako tapos habang nag-uusap kami ay bigla nalang siyang nawala sa linya, sinusubukan ko siyang kontakin pero lagging out of coverage ang cellphone niya. Tapos pumunta ako kanina sa ospital para itanong kung pumunta na ba doon si Diego ngayong umaga pero sabi ng nurse doon na hindi pa daw nila nakikita si Diego at hindi pa daw ito bumabalik simula pa kagabi ng umalis ito. Nag-aalala na ako." Paliwanag ni Freyal at mababakas mo sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kaibigan.

Seninyasan ko siya na umupo muna para mapag-isipan naming kung ano ang dapat gawin dahil sa totoo lang hindi ko alam kung makakatulong si Rie sa sitwasyon na ito ngayon dahil hindi pa rin ito lumalabas sa silid nito. Umupo ako sa kaharap na coach ni Freyal. Hindi ko mahihingan ng tulong si Nido o si Milo sa mga oras na'to dahil sigurado akong nakapatay na ang telepono ni Diego, mukhang hindi ordinaryong mga tao ang may hawak sa kanya ngayon.

Teacher Rie S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon