Chapter 19

2.6K 86 1
                                    


[Freyal's POV]

"Teka, diba si Diego 'yun?", sambit ni Kieth sabay turo.

Tinignan namin kung sino ang tinuturo niya nakita namin si Diego na nakatayo sa labas ng gate, seryoso ang mukha nito.

" Bakit 'di pa siya pumapasok?", tanong ni Win.

Biglang tumakbo si Diego paalis sa kinatatayuan niya na ikinagulat naming tatlo.

"Saan pupunta 'yun?", tanong ni Kieth.

" Tara sundan na'tin.", sabi ko sa kanilang dalawa saka ako tumakbo para sundan si Diego.

[Blaze's POV]

Naglalakad ako sa pathway papunta sa clinic ko ng bigla kong makita ang tatlo estudyante ni Rie na tumakbo palayo.

Tumakbo ako palabas ng gate saka ko ang mga ito sinundan.

Saan kaya papunta ang tatlong 'yon.

Flashback....

[A/N]

Nakatayo ang batang si Diego sa harap ng pintuan katabi niya ang Mama niya at hawak nito ang kamay niya.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan at mula roon ay pumasok ang Papa niya kasama ang isang batang lalaki na isang taon na mas bata sa kanya.

"Diego anak, dalhin mo muna siya sa sala may pag-uusapan lang kami ng Papa mo sa kusina.", sabi ng Mama niya saka ito naglakad papunta sa kusina kasunod ang Papa niya.

Ng wala na ang mga magulang niya ay nilapitan ni Diego ang batang lalaki.

" Anong pangalan mo?", tanong niya dito.

Hindi ito sumagot nanatili lang itong nakatungo, napangiti ang batang si Diego.

Hinawakan niya ito sa kamay at hindi naman ito kumontra.

"Tara sa sala marami akong laruan dun maglalaro tayo.", sabi ng batang si Diego sabay giya sa batang lalaki sa sala.

Makalipas ang ilang minuto ay nilapitan sila ng mga magulang ni Diego. Umupo sa tabi ni Diego ang Papa niya.

" Diego anak, diba sinabi mo noon na gusto mo ng little brother?", tanong ng Papa niya sa kanya.

Tumango ang batang si Diego habang nakatingin sa Papa niya.

"Nakikita mo ba siya?", tanong ng Papa niya habang tinuturo ang batang lalaki na kalaro ni Diego.

" Opo. Bakit po?", tanong ng 7yrs. old na si Diego.

"*sigh* Siya si Drake.... kapatid mo.", sagot ng Papa niya.

Nanlaki ang mga mata ni Diego at maya-maya pa ay lumuwang ang ngiti nito.

" Talaga po?!", masayang tanong ng batang si Diego.

Nakangiting tumango ang Papa niya.

"Drake iho, may sasabihin ako sa'yo.", sambit ng Mama ni Diego sabay harap kay Drake sa kanya.

Tiningnan ni Drake ang babaeng nasa harapan niya.

" Simula sa araw na ito ako na ang magiging Mama mo.", sabi nito ng nakangiti.

End of Flashback...

[Drake's POV]

"Mama.", bulong ko habang nakatungo ako.

Wala na. Hindi na ako aasa pang darating siya. Wala na siyang pakialam sa akin.

Teacher Rie S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon