Chapter 11

2.9K 101 4
                                    

[RIE's POV]

Agad akong tumakbo papunta sa lugar na sinabi sa'kin ni Freyal ng tumawag ito. Napatigil ako ng marating ko ang lugar na iyon.

Nakita ko si Kieth a lumalabas sa isang building kasabay ang dalawang pulis na nasa magkabila niya.

"Kieth!", sigaw ng Mama ni Kieth na nasa likuran ko pala.

Nakita kong tumakbo ito palapit sa anak, agad nitong hinawakan ang mukha ni Kieth.

"Anak, anong nangyari?", naiiyak na tanong nito kay Kieth.

Hinawi ni Kieth ang kamay ng ina saka ito sumakay na sa pulis car. Sinundan ko ang papaalis na sasakyan. Maya-maya pa ay biglang bumuhos ang ulan.

"Hindi maaari 'to.", sambit ko hindi alintana ang ulan na bumabasa na sa akin.

Tumakbo ako para habulin ang pulis car na kinalululanan ni Kieth...

[Kieth's POV]

"KIETH!"

Bakit pakiramdam ko parang may tumatawag sa akin?

"KIETH!"

Hindi ko alam kung bakit pero lumingon ako sa likuran ng sasakyan kung saan ako nakasakay, nagulat ako sa nakita ko. Ang homeroom teacher ko na weirdo, hinahabol nito ang police car na sinasakyan ko hindi nito alintana ang ulan...

"Ri-Rie. Bakit?", bulong ko.

Maya-maya pa ay nakita kong tumigil siya sa pagtakbo, mukhang napagod na ito o 'di kaya ay sumuko na.

Umayos ako ng upo saka humarap ulit sabay ngiti ng mapait.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Sa mundong ito wala ng maniniwala at kakampi sa mga katulad ko na para sa kanila ay patapon na ang buhay. Pare-pareho lang naman ang mga Teacher, magaling lang sila sa umpisa pero 'pag napahamak ka na ay bigla ka nalang iiwan sa ere.

[Diego's POV]

Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko ang nakakairita kong homeroom teacher, nakatingin ito sa papalayong sasakyan ng pulis kung saan nakasakay si Kieth.

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan, maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko.

Bakit ganun nalang siya kabait sa amin?

Bakit niya kami pinaniniwalaan kahit 'di niya pa kami kilala?

Bakit para sa kanya ay sobrang halaga namin?

Bakit sobra siyang tiwala sa amin?

Pakitang tao? Para sabihin ng mga tao na isa siyang mabait at dakilang teacher?

" *smirk* 'Di mo ko mauuto.", sambit ko sabay lakad paalis.

[Rie's POV]

Habol ko ang hininga ko habang nakatingin pa rin sa malayo, hindi ko alintana ang malakas na buhos ng ulan.

Kailangan kong humanap ng paraan para makalabas si Kieth at mapatunayan na inosente siya.

" Achuuuu! ", bahing ko.

Pero sa ngayon kailangan ko munang magpatuyo bago pa mauwi sa sipon o trangkaso ang pagpapaulan ko.

Habang naglalakad ako pauwi ay panay ang bahing ko at unti-unti na ring tumitila ang ulan.

[Someone's POV]

*PHONE RING*

Kinuha ko ang cellphone ko saka ko ito sinagot.

" HOY! KUPAL! MU--- "

Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko, ayoko pang masiraan ng eardrum, ng medyo tumahimik na sa kabilang linya ay saka ko ulit ito inilapit sa tenga ko.

" Bakit ka napatawag? ", tanong ko sa kanya.

" Nasaan ka ba?! Kanina ka pa 2hinahanap ng Underboss. ", sagot nito sa tanong ko.

" Nasa tabi-tabi. ", sagot ko pabalik sabay patay sa cellphone ko.

Napabuntong-hininga nalang ako...

" Parang babae talaga ang isang 'yon. ", bulong ko sa sarili ko.

[Rie's POV]

Nakaupo ako sa isa sa mga swing sa playground na malapit sa subdivision kung saan naroroon ang bahay namin, napabuntong-hininga ako.

" Anong gagawin ko? ", mahina tanong ko sa sarili ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko pwedeng pabayaan lang si Kieth.

" Aish! Mag-isip ka nga, Rie! ", angil ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok ko.

" Hoy. "

Nagulat ako sa boses na biglang sumulpot sa likuran ko kaya bigla akong na-out of balance at sa ikalawang pagkakataon ay bumagsak ako sa likuran ng swing na inuupuan ko una ulo.

" Oi, okay ka lang ba polpols namin na Teacher? ", tanong ng may-ari ng boses na nagpagulat sa akin.

Dinilat ko mga mata ko, nakita ko si Freyal at kasama nito si Win.

" EHHHHHHH! "

Napatakip silang dalawa sa tenga nila dahil sa pagsigaw ko.

" Hoy, polpol namin na teacher pwede ba 'wag kang sumigaw gusto mo bang masira eardrum namin? ",sambit ni Freyal.

" Sorry.. Sinong tinatawag mong polpol?! ", angil ko kay Freyal.

" Ikaw? ",sagot ni Win sa tanong ko.

" Ikaw!!! Halika dito ng makatikim ka ng sapak!! ", angil ko kay Win.

" Ohh takot ako. ", pang.aasar pa nito

" *angry vein* IKAW!! LAGOT KA SA'KIN!! "

Susugurin ko na sana si Win ng pigilan ako ni Freyal.

" Hoy kumalma ka nga. Nandito kami para tulungan ka tungkol kay Kieth. "

Napatigil ako dahil sa sinabi ni Freyal, saka ako napatingin sa kanilang dalawa saka ako napangiti.

* * *

Pabitin mode muna si ako hehehe...

Teacher Rie S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon