Chapter 15

3K 103 1
                                    


[Rie's POV]

Naglalakad ako papasok ng campus ng biglang may tumapik sa likuran ko.

"Goodmorning!", bati sa'kin ni Kieth na nakapagpatigil sa akin.

" Yo!", bati naman sa akin ni Freyal.

"Kieth. Win.", sambit ko saka ako napangiti.

" Oh bakit?",nakakunot-noong tanong sa akin ni Win.

"Binati niyo ako! Hindi niyo na ako dinededma!", natutuwa kong sambit.

"*smirk*", Win.

" Dapat masanay ka na.", sambit sa akin ni Freyal na tumayo sa harapan ko katabi sila Win at Kieth.

Lalong lumapad ang ngiti ko...

Mama, sa wakas may mga estudyante na rin ako na nakakaintindi na sa gustong sabihin ng puso ko!... sambit ko sa isipan ko habang nakatingala sa langit at nakangiti.

Lumapit sa akin sila Freyal, Win at Kieth ng nagtataka saka tinignan ang kung anumang tinitignan ko.

"May nakikita ba kayo?", tanong ni Kieth.

" Wala. Ano ba meron?",tanong naman pabalik ni Win.

Tinignan ko silang tatlo saka ako napahagalpak ng tawa dahil sa itsura ng mga mukha nila, napatingin naman sila sa akin ng nakakunot-noo.

"Anong nakakatawa?", tanong ni Win ng nakakunot-noo.

Pinigilan ko ang tawa ko saka ako umiling.

" Teka, diba may meeting kayo ngayong umaga?", tanong ni Freyal sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko saka ko tinignan ang relo ko...

"Lagot! Late na ako!", sambit ko sabay takbo papunta sa faculty room.

Bago ako lumiko ay nilingon ko muna silang tatlo saka ako kumaway,kinawayan naman nila ako pabalik at tuluyan na akong umalis.

[Diego's POV]

"Mukhang malapit na silang tatlo sa teacher na 'yun. Anong gagawin na'tin?", tanong sa akin ni Arthur.

Hindi ko siya sinagot, umupo ako sa upuan ko at galit na tinitigan ang upuan na nasa harapan ko.

Umupo sa armchair ng katabi kong upuan si Arthur saka tinapon-tapon sa ere ang hawak na bola ng lawn tennis.

[Freyal's POV]

Masayang nagkukwento si Kieth sa aming dalawa ni Win tungkol sa pamilya niya habang papasok kami sa classroom namin.

" Mukhang nabilog na ng teacher na 'yon ang mga ulo niyo ah."

Napatigil kami sa harapan ng blackboard at saka namin tinignan ang nagsalita na si Diego, nakaupo ito at nakatitig sa upuan sa harapan nito.

Hindi kami sumagot na tatlo hindi dahil sa takot kami kundi dahil sa ayaw namin ng gulo.

"Sabihin niyo sa akin. Kailan pa kayo naging malapit sa walang kuwentang guro na 'yon?!", gigil na tanong ulit sa amin ni Diego.

"'Wag mong tatawaging walang---"

Pinigilan ko si Kieth na ituloy ang sasabihin niya dahil baka lalong magkagulo buti naman at sumunod ito.

"Sagutin niyo ako!", angil nito sabay tadyak sa upuan na nasa harapan niya.

Tumayo si Diego at humarap sa akin. Nagsukatan kami ng tingin, alam ng lahat na naroon na kahit kailan ay walang pag-asa na manali sa akin si Diego sa laban at maski ito ay alam nito iyon.

"At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na pangunahan kami sa mga desisyon namin? Sa pagkakaalam ko ako ang leader ng classroom at section na 'to hindi ikaw.", sabi ko sa kanya.

Nakita kong nanigas ang mga muscle niya sa mukha at sa tingin ko lalo itong nagalit sa sinabi ko.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kuwelyo...

" Gusto mo akong labanan?", kalmado kong tanong sa kanya.

Lumapit naman sa akin sila Win at Kieth at sila Arthur at Raul naman kay Diego at sa tingin ko amumang oras ay handa ang mga itong lumaban.

Nakipagsukatan ulit ako ng tingin kay Diego, tignan na'tin kung hanggang saan ang tapang mo.

"Goodmo---- Anong nangyayari dito?"

Hindi namin napansin na pumasok na pala sa may pinto si Rie, agad na binitawan ni Diego ang kuwelyo ng uniporme ko.

"Hindi pa tayo tapos!", bulong nito sa akin.

"*smirk*", ako saka ko inayos ang kuwelyo ko.

"Okay magsi-upo na kayo sa mga upuan niyo at mag-uumpisa na ang klase na'tin.", Rie.

Umupo na ako sa upuan ko na nasa likuran at nasa gitna nila Win at Kieth.

Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang galit ni Diego, tama siya di pa kami tapos at kailangan ko ng tapusin ang alitan namin na ito.

Ayoko man siyang labanan ay mapipilitan ako dahil 'pag di ko siya hinarap ay sila Win at Kieth ang pagbubuntulan niya ng galit.

Alam kong kayang lumaban nila Win at Kieth pero ayokong ma.expel si Kieth dahil nangako ito sa Mama niya na magtatapos siya ng college at ayokong ang katulad lang ni Diego ang sisira sa pangako na iyon.

"Freyal?"

Napatingin ako kay Rie...

"Ha?", wala sa sarili kong sabi.

"Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo.", sabi ni Rie sa akin.

"Oo okay lang ako.", sagot ko.

"Okay.", sabi nito saka nagpatuloy sa tinuturo niya.

[Diego's POV]

Nandito ako ngayon sa rooftop kasama sila Arthur at Raul, hinihintay ko si Freyal para sa pagtutuos namin.

Hindi ko siya mapapatawad sa pakikipaglapit niya sa teacher na 'yon. Pare-parrho lang ang mga teacher mababait sa umpisa pero kapag tumagal lumalabas din ang tunay nilang kulay at iyon ang nakakabuwisit!

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng rooftop at pumasok mula room si Freyal, napakunot-noo ako ng makita kong nag-iisa lang siya.

"Bakit ikaw lang? Nasaan sila Win at Kieth?", tanong ko sa kanya.

"Wala silang kinalaman dito kaya pabayaan mo na sila ", sagot nito.

"Hmm? Pabayaan ba kamo? Hmmm.", sabi nito habang nag-iisip.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Paano kung ayoko? Anong gagawin mo?", sabi ko sa kanya.

Nakita kong napakuyom ito ng kamao at biglang nagdilim ang mukha nito kaya napangisi ako.

***

Diego stop teasing Freyal dahil 'pag napuno 'yan you're so gonna get it!! 😑

Teacher Rie S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon