Chapter 50

205 8 2
                                    

Nakaupo na kami ngayon sa sala, magkatabi kami ni Kuya Reiko sa pahabang sofa samantalang ang nanay ni Diego ay nakaupo paharap sa amin ni Kuya sa katapat na pang-isahan na sofa. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita, lahat kami ay tinatantya pa ang mood ng paligid namin.

"Alam ko na ang iniisip niyo. Iniisip niyo na ako ang nagpadukot kay Diego pero sasabihin ko sa inyo hindi ako iyon, oo gusto ko siyang dalhin sa america pero hindi sa paraan na ganito." Putol nito sa katahimikan na namamayani sa aming tatlo.

"May alam ka ba?" Tanong bigla dito ni Kuya Reiko.

Hindi sumagot ang Mama ni Diego, mukhang nag-aalangan itong magsabi ng nalalaman nito o natatakot ito para sa kaligtasan ng anak niya.

"Misis." Untag dito ni Kuya Reiko.

"Mukhang alam ko na kung sino ang dumukot sa anak ko." Biglang sambit ng Mama ni Diego.

Napatingin kami sa kanya at hinintay ang kadugtong ng sasabihin niya.

* * *

REIKO

"Sigurado ka bang sila?" Tanong ko ulit dito.

Tumango ito bilang sagot. "Nasa akin ang perang itinakbo ng pangalawa kong asawa sa kanila. At malaki ang posibilidad na ito ang maaring dahilan para dukutin nila ang anak ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka ako lumapit sa may bintana at tumingin sa labas, kung ganun buhay pa pala ang grupo nila. Napabuntong-hininga nalang ako sa natuklasan ko.

"May problema ba, Kuya?" Tanong sa akin ni Rie.

"Wala." Maikli kong sagot saka ako nagpaalam sa kanilang dalawa na lalabas saglit at may tatawagan.

Ng makalabas na ako sa garden ay kinuha ko ang cellphone ko at saka idinial ang numero ni Ero. Matapos ang ilang ring ay sumagot din ito.

"Kasama mo ba sila Freyal?" Tanong ko agad dito.

"Oo, andito kami sa ice cream shop. Bakit?" Tanong nito pabalik.

"Sabihan mo si Milo na pumunta agad dito kailangan ko tulong niya, bantayan niyo ni Nido ng mabuti si Freyal, inutusan ko na rin ang iba na'ting tauhan para batayan lahat ng taong konektado kay Diego." Utos ko dito.

"Teka, teka. Anong meron?" Takang tanong ni Ero sa akin sa kabilang linya.

"Mukhang kumikilos na naman ang grupong iyon." Sagot ko.

Sandaling natahimik si Ero sa kabilang linya saka ako nakarinig ng malalim na buntong-hininga. "Dapat pala tinapos ko na ang isang iyon noon pa." Sambit ni Eron

"Hayaan mo na. Ako ng bahalang umayos nito, basta gawin mo nalang pinapagawa ko sa iyo." Sambit ko sa kanya sabay pindot ng end button.

Matapos kong makipag-usap kay Ero ay bumalik na ako sa kinaroroonan nila Rie. Naabutan kong nag-uusap sila Rie at ang Mama ni Diego. Umupo ako sa tabi ni Rie saka ako bumuntong-hininga, sakto naman ang paglabas ni Nido sa lungga niya, mukhang nagutom ang kumag kaya napalabas matapos maisip na walang magbibigay sa kanya ng pagkain.

"Mabuti naman at lumabas ka din sa lungga mo. I need your help.", sambit ko dito.

"No.", agad na sagot nito.

"1 month free Jollibee kapag nagawa mo itong ipapagawa ko sa'yo.", agad na offer ko sa kanya.

"Game.", agad na sagot nito sabay upo sa harapan ko, sa tabi ng nanay ng estudyante ni Rie.

Teacher Rie S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon