a night to remember

Start from the beginning
                                    

Nagulat pa siya ng maramdaman niyang may pumasok at ng lingunin niya ay nakita niyang palapit ang kanya Yaya na nasa katanghalian ang idad.

"Ayessa iha ok ka Lang ba?" Bakas sa mukha nito ang paalala sa kanya dahil saksi ito sa madalas na hindi makataong pagtrato sa kanya ng Ama dahil mula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kanya.

"Yes Yaya" aniya bagamat di mapigilan ang pagpatak ng luha dahil sa kanilang bahay na it ay ito lang ang kanyang kakampi at madalas mapagsumbungan.

"Anak na to wag ka nang umiyak hayaan mo na ang Daddy mo alam mo naman ang ugali non" ang alo nito sa kanya na pilit pinasasaya ang boses ngunit hindi pa rin nito matago ang nararamdamang awa sa kanya.

"Yaya bakit ganon Kung ituring ako ni Daddy parang hindi nito Anak parang si Ate lang ang mahal niya" ang patuloy na pagsusumbong niya habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.

"Hindi totoo yan Iha mahal ka ng Daddy mo di niya Lang alam kung pano ipaparamdam sayo" ang dagdag pa nito habang hinihimas ang mahaba niyang buhok.

" Mahal e mula ng bata ako di ko man lang naramdaman ang pagmamahal ng Magulang ,, Si Daddy laging galit sa akin si Mommy naman laging wala ni hindi ito mapirmi sa bahay kung nandito naman siya lagi lang silang nagsisigawan ni Daddy."

"Iha may mga bagay na di natin mapanghihimasukan, kung ako sayo ay wag mo na lang pansinin nandito naman si Yaya" ang dagdag nito at niyakap siya na parang sinasabi ng mga haplos nito na di siya nagiisa.

"O tama na yan ok? Wag ka ng iiyak sige ka papangit ka niyan" ang tudyo pa nito sa kanya na ikinangiti na niya.

"Matagal na akong pangit Yaya" ang sabi naman niya na pinapahiran na ang mga luha dahil medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam.

"Naku Iha sinong nagsabing pangit ka at uupakan ko" ang sabi pa nito at itinaas pa ang mga kamay na tila talaga may hinahamon ng suntukan.

"Ang Yaya talaga" ang napapatawang sabi niya kahit kailan talaga ay ito ang nagpapasaya sa kanya at si Tyler ang kanyang si Tyler.

Dahil sa sobrang sama parin ng kanyang loob sa Ama ay mas minabuti na lang niyang umalis na kesa naman manatili sa kanilang hacienda at lalo lang siyang aawayin ng kanyang Daddy kaya bumalik na lang siya ng mas maaga sa Dormitory kung saan siya nagiistay habang nagaaral siya sa manila.

" Naku ang aga naman ng paborito kong border dito" ang nakangiting bati sa kanya ni Nanay Remy ang kusinera at tagalinis sa kanilang dorm nakapalagayan niya rin ito ng loob dahil masarap itong kausap at napagsusumbungan din niya dahil malayo na nga ang kanyang yaya

" Hehe si Nanay Remy talaga baka mamaya niyan marinig kayo ng iba pang borders sige kayo" ang may himig pananakot niyang sabi sa matanda

" Sus hayaan mo nga sila e sa tutoo naman ang susuplada at akala mo ay mga Prinsesa" ang nakaingos pa nitong sagot sa kanya ,di niya masisi kung bakit ganon ang sinasabi nito dahil parati itong pinagsusupladahan ng ibang borders na mga anak mayaman din.

"O Nanay Remy ang wrinkles ninyo nadagdagan na po ng isa pang guhit" na ikinatawa nito

"Ay may pasalubong po ako sa inyo pasensya na yan lang po, kasi nagaway na naman kami ng Daddy kaya napabalik ako agad dito" ang sabi niya habang inaabot ang mga dala niyang prutas at bestida.

"Sus ang Anak na ire nagabala pa maraming salamat kaya naman gustong gusto kita bukod sa hindi ka na suplada ay napakabait mo pa" ang sabi nito at binigyan pa siya ng halik sa pisngi

"Naku binubola naman ako ni Nanay Remy kaya tuloy lagi akong nagdadala ng pasalubong para lagi ninyo akong pinupuri" ang biro naman niya na ikinatawa nilang pareho.

Short StoriesWhere stories live. Discover now