Di ko alam kung anong sasabihin ko . Nagulat parin ako sa nakita ko . Ganto pala ang pakiramdam makita ang isang warewolf .


'Ah okay ka lang? Ako nga pala si Kaira Jade Tadashi galing ako sa kaharian ng Wolfentein '


Pinapasok nya ko sa loob ng kwarto namin . At Ibinaba ko ang mga dala dala ko . Kinalma ko muna ang aking sarili bago magsalita


'Ah pasensya ka na nagulat lang talaga ako sa nakita ko ' ani ko . Nginitian nya naman ako sabay upo sa tabi ko dito sa kama ko ata


'Okay lang yun kala ko napipi ka na dahil sa nakita mo '

'Hindi naman. Ah! Raven spade Martell galing sa Be--- ' di ko na natapos ang sasabihin ko ng sya na ang dumuktong


'Taga Belmoor city dito sa Arzena kingdom ang nag iisang mababang dugong nakapasok sa Linford ' sambit nya . Nagulat na lang ako sa mga sinabi nya


Bakit nya ko kilala ?

'Haha talagang kilala kita kasi napanood ko yung ginawa mo sa square arena at pano mo napahanga ang lahat ' mind reader ba ang isang to .


'Hindi ako mind reader sadyang halata lang sa mukha mo ' sabi nya sabay ngiti nanaman

Napatulala na lang ako. Kakaiba sya . Mukha sya masayahin na babae . Na punong puno ng energy .


'Ah okay! Dito ba kama ko ?' Tanong ko

Nakita ko naman na tumango sya 'oo dyan ka nlng malapit sa bintana '


'Okay ' ani ko at inayos na ang mga gamit ko sa aking aparador . Malapit saakin .


Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto . Medyo malaki ito na may dalawang puting kama . Hindi magkadikit ang kama . May maliit na lagayan ng libro sa pagitan nito .


Ang mga pader naman ay kulay puti na may mga disensyong paru-paro . At ganon din ang kisame nito . May bintana rin ito na kita mo ang  Isang malaking Arena na parang katulad sa square arena .



'Raven pedeng kwentuhan tayo kanina pa kasi ako bored na bored sa kwartong ito , di pa naman tayo pedeng lumabas hanggang di pa nagsisimula ang ceremony' anas nya

Tumango naman ako at pinagpatuloy ang pagaayos ko ng gamit ko

'Ah anong ceromony ang gaganapin at kelan ?' Tanong ko

'Ah yun ba ang alam ko mamayang hapon ito at gaganapin sa Enchant arena na nakikita mo sa labas ng bintana natin . Welcom ceremony ito para sa mga bagong estudyante ng Linford at sa pagdating rin ng prinsesa Anela ' sagot nya


'Nagaaral din dito ang prinsesa ?'

'Ah oo dito rin sya nagaaral at ang iba pang prinsesa o prinsipe ng iba't ibang kaharian pwera lang sa Xanadu ' dagdag nya pa

Ah! Talagang pang matataas na dugo ang paaralang ito dahil maski ang mga prinsipe at prinsesa ng bawat kaharian ay nandito .


(Enigma Trilogy) Linford AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora