Dahan-dahan akong lumabas ng pintuan at naglakad papunta sa may hagdanan. Sinilip ko pa sa ibaba kung may tao ngunit wala rin kaya bumaba na ako. Maingat ang bawat pag hakbang ko upang hindi makalikha ng ano mang ingay. Nang makarating ako sa may sala ay wala ring tao roon. Maglalakad na sana ako papunta sa may malaking pintuan nang may naamoy akong pagkain. May nagluluto sa kusina! Muli na namang tumunog ang aking tiyan kaya napahawak ako roon. Hindi ko na talaga kaya 'to. Gutom na ako.

Imbis na maglakad papunta sa may pintuan ay bumalik ako at hinanap ang kusina kung saan naaamoy ko ang mabangong niluluto ng kung sino man ang naroon. Pagsilip ko sa may kusina ay likod ni Harvey ang nakita ko habang abala sa kanyang niluluto. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa kanyang ginagawa at wala siyang kaalam alam na narito ako sa may pintuan ng kusina. Hindi ko akalain na ang isang lalaki na katulad niya ay marunong magluto. Pwede naman siyang kumuha ng kasambahay upang gumawa ng mga gawain dito sa kanyang bahay.

"Are you hungry? Sit down and let's eat." Sabi niya at inilapag ang iniluto niyang ulam sa lamesa. Mas lalo akong natakam dahil naaamoy ko iyon. Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa masarap na pagkain na nakahain sa may lamesa. Sa katulad kong mahirap ay tuwing may mahalagang okasyon lang niluluto ang caldereta sa amin.

"Sa susunod huwag ka ng magpapagutom. Tell me if you're hungry so I can cook for you." Napapitlag ako nang magsalita siya sa gilid ko. Hinila niya ako papunta sa lamesa at pinaupo sa upuan. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko at sunod ay ang niluto niyang ulam. At dala na rin ng gutom ko ay sinumulan ko ng kainin ang binigay niyang pagkain. Hindi ko akalain na masarap siyang magluto. O baka gutom lang ako kaya nasasabi kong masarap itong niluto niya.

Napahinto lang ako sa pagkain nang makita ko siyang nakatitig sa akin habang kumakain ako. Ang lakas pa naman ng lamon ko kanina tapos nakatitig pala siya sa 'kin. Nakakahiya!

"A-ayoko na. Busog na ako." Pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo ay gusto ko pa sanang kumain ngunit bigla akong nahiya sa titig niya.

"Kaya ang payat mo tingnan dahil kaunti lang ang kinakain mo." Seryoso niyang sabi. Ano ba ang problema kung payat 'yong tao?

Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko na lang isang basong tubig na bigay niya kanina at uminom doon. Pagkatapos ay tumayo na ako at dinala ang mga pinagkainan ko sa lababo. Huhugasan ko na sana ang mga iyon nang naisip kong hindi pa kumakain si Harvey. Bakit ako lang ang kumain kanina? Lumingon ako at nakita ko pa rin si Harvey na nakatitig lang sa akin habang nakatayo sa tabi ng lamesa.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko. Agad namang sumilay ang ngiti sa mukha niya.

"Bakit? Nag-aalala ka na ba sa akin?" Nakangiti niyang tanong.

"Hindi ah. Nagtanong lang naman ako. Huwag mong bigyan ng meaning 'yon." Sagot ko at tumalikod na sa kanya. Narinig kong tumawa pa siya.

Sinimulan ko ng hugasan ang mga pinagkainan ko nang naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Aalis muna ako saglit. May gusto ka bang  ipabili?" Napahinto ako sa paghugas dahil sa boses niya at dahil na rin sa mga katawan naming magka-dikit.

"Tooth brush at saka wala na akong damit. Kung pinauwi mo na ako e 'di sana hindi ka na gumastos pa. Ayaw ko ng mumurahing damit at tooth brush." Sabi ko at kumawala sa pagkakayakap niya.

Hindi naman ako maarte pagdating sa mga damit at sa mga gamit ko sa katawan. Pinanganak akong mahirap kaya okay na sa akin kasi sa tabi-tabi lang na mga gamit ang nabibili ko. Pero sinusubukan ko lang talaga ang lalaking ito para mainis siya at pauwiin na ako. Talagang mauubos ang pera niya sa akin kapag hindi pa niya ako pinauwi.

"That's it, love? How about your skin care routine? Mga iba mo pang kailangan? Tell me, I will buy it all." Napahawak ako sa lababo dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

"Wala na. Hindi ako gumagamit ng skin care sa mukha ko." Sagot ko.

"Okay. Kung may gusto ko pang ipabili ay sabihin mo lang sa mga tauhan ko. Sila muna ang magbabantay sa 'yo." Sabi niya at bigla akong hinigit papalapit sa kanya.

"Don't try to escape again, love. Okay?" Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng kusina. Sino ka ba talaga, Harvey?

Nang marinig ko ang tunog ng pinto hudyat na umalis na si Harvey ay mabilis kong tinapos ang paghuhugas ko ng pinggan. Sana lang ay walang bantay sa labas ng bahay.


Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now