Special Chapter 1

35.2K 1K 407
                                    


Special Chapter 1 – Georgina and Jackson


Gigi's POV


If there is one person you can call an idiot, then that's me.

Yes, I think I'm stupid.

Tanga. 

Bobo.


Wala eh. Mukhang pumalya na yata talaga ang utak ko.


Jax broke up with me a year ago.

Oo, isang taon na ang lumipas mula nung huli kaming nagkita.


Pero aaminin ko, hinihintay ko pa rin siya.

Andito pa rin ako, nagbabakasakaling isang araw, babalikan niya ko.


All my friends keep on scolding me.

They want me to give up.

Kahit si Kenzie na kasal na at buntis na ngayon ay paulit-ulit akong pinapagalitan.


"Ano ba Gigi. Tatanda kang dalaga niyan. Move on na uy"


I just smiled and watched her eat some fruits.

Day off ko kasi kaya naisipan kong itreat siya sa mall.

Tamang tama, nasa trabaho ngayon si Jiro kaya nagawa kong agawin ang bestfriend ko.


"Hi po ate kenzie. Pwedeng magpapicture?" Paglapit ng isang dalaga.

"Babe naman di ka na nahiya. Nakain pa sila oh" Bulong ng katabi nito.

Ah. Magboyfriend-girlfriend sila.


"No, it's okay" Ngumiti na si Kenzie sa camera.

The girl jumped out of happiness. "Salamat po talaga! Admin po ako ng isa sa mga chapters ng Kenro Sweethearts. Grabe ate, excited na kami lumabas ang anak niyo ni Kuya Jiro!"

"Really? Wow! Thanks for supporting me and my husband. Hayaan mo, pagpanganak ko, magpopost ako ng maraming pictures ni baby"

"Wahhh! Ate---"


"Babe, iwan na natin sila. Naaabala na natin sila" Paghila nung lalake sa fan ni Kenzie. "Pasensya na po"


Pagalis nilang dalawa ay pinagpatuloy na ni Kenz ang pagkain niya.

Tumakaw talaga siya mula nung nabuntis siya pero nakakainggit dahil hindi siya tabain.

Sakto lang for a pregnant woman.


"Ang cute nila noh" She said.


Tinignan ko ulit yung magsyota na bumalik na sa table nila.

I suddenly remembered me and Jax.

Yung mga panahon na nagde-date kami at naiinis siya tuwing nagfafangirl ako sa isang poster ni Taylor Swift na madaanan ko.


My Only Chance (My Only Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon