Chapter 43 - Revealed

46.4K 1.7K 1.2K
                                    


Chapter 43 - Revealed


Nagising ako ng may biglang nagbuhos ng malamig na tubig sa ulo ko.

Napabalikwas agad ako sa pagkakahiga ko ngunit napansin kong nakatali ang mga kamay at paa ko.


I winced at the pain coming from my forehead.


"Buti naman nagkaroon na ng malay ang mahal na prinsipe!"


Nixon kneeled in front of me to grip my hair.

Ginawa niya iyon yung makita ang mukha ko.


"You should have listened to my uncle" He said, his voice echoing the whole place.

Nasa isang bahay kami pero walang kalaman laman itong kwartong ito.


"Matigas ang ulo nang isang yan eh" Someone said.


My eyes widened when I saw Henry walking towards me.


What the fuck?

Totoo ngang nakakalabas siya sa kulungan?


"Mga tarantado!" Sigaw ko, causing Nixon to punch me in the face.

Napahiga ako sa sahig sa lakas ng pagkakasuntok niya.


"Manahimik ka! Ang lakas din naman ng loob mong magmatapang samantalang malapit ka ng mamatay"


Pinilit ko ang sarili kong makaupo ulit.


"Ano bang naging kasalanan namin ni Kenzie sayo, Henry?! Bakit mo kami pinaparusahan ng ganito?!" I shouted.


They both laughed at me.


"Mukhang naguguluhan ka yata, Jiro. This isn't my Tito Henry. This is my biological father" Nixon explained.


ANO?!

Naglakad yung tatay daw ni Nixon palapit sa akin to offer his hand.


"Harry. Henry's twin brother"

He even smirked at me. "Ay nakatali nga pala ang mga kamay mo hahaha"


Nagtawanan ulit silang dalawa.


"May kakambal si Henry?"


Tinitigan ko ang mukha niya.


Ngayon ko lang napansing mas mapayat ito kumpara kay Henry at may sugat sa pisngi.


KAYA PALA NAKIKITA KO SIYA KUNG SAAN SAAN!

I thought I was just imagining things!


"Ikaw yung nakasakay sa kotse na hinabol ko kaya naaksidente ako sa motor? Ikaw yung sumaksak kay Japeth? Ikaw yung sumunog sa bahay nila Ally? Ikaw din yung nagpakita sa hospital at hindi si Henry?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

My Only Chance (My Only Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon