Chapter 42 - Unforeseen

42.1K 1.6K 721
                                    


Chapter 42 - Unforeseen


"Dun muna kayo sa bahay manatili" I heard my mom says.

Namomroblema kasi si Tita Kriza kanina pa dahil lahat ng legal documents nila ay nasunog.


"Hindi na. Uupa na lang kami---"

"Wag na kayo mahiya. Parang anak na rin namin sila Kenzie at Ally"


Lumapit ako sa kanila at ngumiti.


"Tita, please. Mas mapapanatag po ako kung nasa bahay kayo. Besides, we all know who did this. Delikado po ang buhay niyo"


Naikwento na ni Kenzie sa kanila ang tungkol kay Henry kaya naman panigurado ako ay nagets na nila ang sinabi ko.


"Kahit hanggang sa maayos niyo na lang muna ang mga papeles niyo" Dagdag ni Dad.


Mahirap talaga tumanaw ng utang na loob ngunit kung ganito na ang kalagayan nila, sana naman ay hayaan na nila kaming tumulong.


I looked at Kenzie and she's still crying heavily.

Dumating si Kye kaya hindi ko na magawang lapitan ulit si Kenz.


Ayoko lang na dumagdag pa sa problema ng mahal ko.

Kapag kasi nagkainitan na naman kami nitong si itim, malamang uupakan ko to.


"Kuya, ikaw na bahala dito ah. Uuwi na ko"

Nagtaka ako sa sinabi ni Japeth.


"Hindi mo hihintayin magising si Ally?"


Umiling siya, ang mga mata niya ay halatang pagod na pagod na. "Ayokong malaman niyang pumunta ako dito. Mas maganda na yung isipin niyang wala na kong pakielam sa kanya"


"Japs, paiigtingin mo pa rin ba yang pride mo? Muntikan na nga mamatay yung tao---"

"She's safe now. Besides, iniisip ko lang din si Leah"


Hinawakan ko ang balikat niya.


"Handa ka na ba talagang mawala sayo habang buhay si Allyson?"

Tinitigan niya ko. "May sakit sa puso si Leah..."


I sighed when he walked away.

Sana isipin mo rin ang sarili mo paminsan-minsan.

Wag kang gumaya saking nagpaka-tanga.


"Jiro, iho"

Lumapit ulit ako kila Tita Kriza. "Bakit po tita?"


"Baka pwedeng ikaw muna bahala kay Kenzie? Alam naming pagod na siya. Wala rin naman siyang matutulugan dito sa hospital"

My Only Chance (My Only Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon