Chapter 47 - Suddenly

49.2K 1.6K 789
                                    


Chapter 47 - Suddenly


"K-kasal? Agad?" Gulat na gulat na tanong niya.


Hinawakan ko ang pisngi niya. "Ilang taon na tayong magsyota, Kenzie. We've been together on and off for the past few months simula nung nagkabalikan tayo. Don't you think it's time for us to get married already?"


Kenzie looked down.


"Ayaw mo bang makasama ako habang buhay?"


She sighed. "Hindi naman sa ayaw jiro pero pakiramdam ko kasi nagmamadali tayo masyado. We're still young"


"Hindi na tayo ganung kabata, Kenz. May nangyari na nga satin ah----"

"Ikaw! Ang ingay ingay mo!!! Pag narinig tayo ng tropa, ewan ko lang talaga Jiro!"


Ngumiti lang ako at hinalikan ang kamay niya. "Please say yes"


Kumunot ang noo niya.

"No..."


Napanganga ako dahil mukhang seryoso nga siya sa sagot niya.


"No? Ayaw mo sakin?"

"Hindi sayo kundi sa idea na bubuo agad tayo pamilya. Di pa ko ready, love. Focus muna tayo sa mga career natin please"


Magkaiba pala kami ng takbo ng utak.

Kung ako, atat na atat na kong maging asawa siya, ito namang si Kenzie ayaw pa.

She still wants her freedom.


"Gusto ko muna i-enjoy yung pagiging magboyfriend girlfriend natin ngayon dahil for the first time, wala ng humahadlang satin" Dagdag niya. "We don't have to rush this"


"Pwede namang magpakasal na tayo pero hindi muna tayo gagawa ng baby"

"Ehhhh ayoko pa rin"


Napakamot ako sa ulo ko.


"I don't get it. You agreed on doing the honeymoon but not the marriage part?"


Hinampas niya ko sa braso. "Can you not mention that?!"


Namumula ang mga pisngi niya kaya sinubukan niyang takpan iyon gamit ng buhok niya.

Ngumuso ako.


"Sus. Baka naman kaya ayaw mo lang talaga ay dahil hindi mo ko ganung kamahal"


Tumayo na ko at naglakad pabalik sa loob.

Hinabol naman ako agad ni Kenzie.


"Hindi yan totoo!"

My Only Chance (My Only Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon