Chapter 17 - Conflicting Feelings

50.8K 2.2K 1.3K
                                    


Chapter 17 - Conflicting Feelings


After two weeks...


Everything is set.

My clothes are packed and I'm off to go.


Hindi na ko sasamahan pa nila Mama because for one, I'm already an adult. And two, walang maiiwan for Japeth. Dad's busy with work anyway.

Isang buwan lang naman ang magstay sa London.


Supposedly, VMA will pay for the accommodation of my team.

Pero ayoko kasing nagstay sa hotel so I'm going to stay at my mom's house there.

Mas komportable lalo na at nasanay akong tumira noon don.


We also informed Mr. Yui about the fashion week and all the projects that I would be doing. He's quite upset but he knows it'll do good in my career. Pinayagan niya na ko since part pa naman ito ng old contract ko with them. Though, kung tutuusin non-existent na yun sapagkat pumirma na ko sa bago.


"Dapat pinakiusapan mo ang producer na next month na lang gawin ito. Mapapagod ka niyan eh. Baka ma-late ka pa sa flight mo, sige ka" Yssa told me.


I shook my head. "Di pwede, nakapag-agree na tayo dito diba? Besides, mabilis ko lang tatapusin ito para makuwi pa ko at makapagpaalam kila Mama"


Yssa sighed. "Minsan talaga, napaka-workaholic mo"


Ngumiti na lang ako at lumabas na ng dressing room.

May shoot kami ngayon ni Kenzie for a certain shoe brand.


"Good morning Sir. Romero" Bati ng isang staff sabay bigay sa akin ng mainit na kape.

"Thanks"


I looked around. Nandoon na sa gilid si Kenzie...katabi si Kye.

Napansin niya yatang dumating na ako kaya tumayo agad siya at lumapit na sa akin.


Maybe she doesn't want the crew to wait.

She's acting like a professional model.


Kye on the other hand was stunned.

Nagkukwento kasi siya pero biglang umalis si Kenzie ng walang paalam.


"Should we start?" Tanong niya.


Uminom lang ako ng kape ko at hindi siya pinansin.

Bakit ako ang tinatanong mo? 

Mukha bang ako ang nagdedesisyon kung magsisimula na tayo o hindi?


Inexplain samin ng photographer ang gusto niyang makita sa shoot.

No questions asked, pumwesto na ko sa gitna.

Kenzie also walked towards me.


Umupo siya sa parang sofa while I kneeled in front of her.

My Only Chance (My Only Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon