Chapter 9 - Sweets and Sweats

45.2K 1.9K 665
                                    


Chapter 9 – Sweets and Sweats


Hihingal-hingal akong umupo sa gilid upang magpahinga saglit. 

Every week kasi ay required talaga sa aming mga models ang pumunta dito sa company gym.


For the past five years, masasabi ko namang mas maganda na ang katawan ko kumpara noong nagsisimula pa lang ako.


I may not have an 8-pack abs like charcoal, pero hindi na rin naman panay taba itong tiyan ko.


Malapit ko ng ma-achieve ang six pack abs na pinapangarap ko.

Kailangan din kasi talaga ito dahil may mga shoot na kailangan ay topless ako.


"Water?" Pagalok ng isang babaeng model na kasabayan ko.


Halatang nakikipagflirt siya dahil iba ang mga ngiti niya.

Kinuha ko yung water bottle sa gilid sabay angat ang ngiti rin sa kanya.


"I have mine"

"Oh. Ganun ba...Pamunas? Baka gusto mong pamunas ng pawis?"


Pinakita ko sa kanya yung bimpo na nakasabit sa leeg ko.

Tumawa siya na para bang naa-amused siya sa akin.


"You're single right?"


Tumango ako habang umiinom ako ng tubig.


"Ibig sabihin ba niyan, pwede mo kong pasayahin sa kama?"


Muntik-muntikan ko ng ibuga ang tubig sa bibig ko dahil sa gulat.


"Ano miss?"


"Eh kasi lagi akong nagpapapansin sayo. I even wear this tight gym suit para lang makita mo ang sexy body ko pero tuwing dumadaan ako sa harapan mo ay tumitingin ka lang tapos wala na"


Natameme ako at napakunot na lang ang noo.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko.


"And for the past years, ni isang babaeng model, walang napapabalitang dinate mo. They're all hot, imposibleng di ka matakam sa kanila. Are you perhaps...gay?"


I smiled even more.


"I'm not into one night stand" 

Diretsang sabi ko na lang dahil alam ko naman kung ano ang gusto niyang mangyari.


She pouted. Nagcross siya ng arms niya at nagpamewang.


"So long time fucking partner ang gusto mo? I can do that..." She even licked her lower lips.

My Only Chance (My Only Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon