Chapter 3 - Flight

48.5K 2.5K 597
                                    


Sorry I wasn't able to update this story yesterday. Pero ito, bumawi naman ako haha aga diba? Hindi na 9 pm. LOL.


--------------------------------------------------------  


Chapter 3 – Flight


"Ako nga..." Pagko-confirm ko sa kanya na totoo ang nakikita niya. I'm really sitting beside her.


I could see panic in her eyes.

Agad siyang tumingin sa paligid.


"Miss?" Pagtawag ni Kenzie.


"Huh?" I looked at whom she's talking to. Sa flight attendant pala.


Teka...

Hindi niya ba ko nakita? O narinig man lang?

Bakit parang invisible ako sa kanya?


"Yes ma'am?"

"Can I have a pillow?"

"Sure. But please put your seatbelt on. Is there anything else you need?"

"None. Thanks"


Napatingin siya sa akin ng saglit bago niya iniayos ang seatbelt at tumingin sa labas.


I was stunned.

Is she ignoring me?


"Kenz..."

Hindi siya umimik.


Well of course, Jiro.

Tanga ka?


"Okay sige...siguro nasha-shock ka pa na magkatabi tayo ngayon. Pero sana kausapin mo naman ako kahit saglit lang"


Pagbalik nung flight attendant ay agad pumikit si Kenzie.

Yakap yakap niya yung unan.


Napailing na lang ako.

Tutulugan pa ko. Wow.


Ilang minuto yung lumipas bago inannounce nung pilot na ready to take off na daw ang plane.

Mukhang narinig iyon ni Kenzie kaya umupo siya ng maayos.


Pansin kong hindi siya mapakali.

It's either she's biting her lower lip or she's staring down.

Ang bigat pa ng paghinga niya.


"Natatakot ka ba?" Tanong ko.

Again, ini-snob niya ko.


"Don't be afraid" She frowned but she still didn't look at me. "Andito naman ako"

My Only Chance (My Only Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon