Chapter 62: Believing

31.8K 435 27
                                    

Chapter 62: Believing 

***


Tumalikod ako at huminga nang malalim. Sana naman hindi niya ako nakita. Isa pang malalim na hinga ang kinuha ko.

"Sofia." tawag ko habang nakatalikod.

"Hey. Why naman nakatalikod you? Is there a problem ba?" tanong nya.

"E-eh kasi, ano, ang sakit na pala ng lalamunan ko."

"Sheezh. That's no problema at all. We have naman here medicine or whatsoever nilulunok for you to feel maayos." sabi niya then ngiting maganda. Lahat ba ng estudyante rito eh mala-Venus at Adonis ang peg? Di naman yata ako qualified pag ganun.

Eh teka nga muna! Ano na bang idadahilan ko?

"Oh here na pala ang adviser natin eh!" sabi na naman ni Sofia nung may pumasok. Prof. yata? Ewan ko. Di naman kasi nakaformal na uniform pero yung attire naman eh enough para madistinguish na professor siya.

"Sir Mike, meron kaming good news!" sigaw ni Erick mula sa likod ko. Siya nga ba? Basta parang siya.

"Ano naman ba yun ha?" tanong nung prof. Nandito na ako sa may gilid ng entrance. Baka mamaya sabihin pa eh di naman ako kasali so bakit pa ako nandito diba.

"We already make narecruit na a female vocalist!" masaya na namang sabi ni Sofia. Ang energetic din pala nito.

"Really? Let's see it then? Nasaan ang lucky girl?" tapos tumingin tingin naman sa paligid yung prof. hanggang sa nakuha na niya yung presence ko. Shet. Yumuko na lang ako.

"Yes sir Mike. It's her." sabay turo pa sakin ni Sofia at Erick.

"Well?" tanong sakin nung prof. Tanong? Ha? Eh anong isasagot ko? "Show me what you got."

Di na ako nakausap pa. Tinulak na nila ako sa stage na nandito rin sa room. Napahawak naman ako bigla sa stand ng mic. Grabe! Peer pressure na 'to. I never imagined this in my entire boring life!

Lalo naman akong kinabahan nung tumingin sakin si Kenneth. Grabe! I could die now! I could! Shet. Lalo pa nung nakita kong kasama niya yung katawanang babae noon sa cafeteria. Nakakabadtrip. Ewan ko!

Biglaang tumugtog naman yung mga instruments sa likod ko. Syempre may naghahandle. Pero nakakagulat pa rin eh! Ano ba 'tong tinutugtog nila?! Ni hindi manlang nagtanong. Pero bahala na!

♪ Somehow I know I will find a way to a brighter day in the sun. Somewhere I know that he waits for me. Someday soon he'll see I'm the one ♪

Nagulat nga ako nung una, pero buti naman at alam ko rin 'to. Alam ko namang wala akong pakielam kung makuha ako rito sa band na 'to oh hindi. Pero basta ayoko rin namang mapahiya diba.

♪ I won't give up on this feeling, and nothing could keep me away ♪

Give up? Ha? Bakit kahit papano natatamaan ako.

♪ 'Cause I still believe in destiny that you and I were meant to be. I still wish on the stars as they fall from above. 'Cause I still believe, believe in love ♪

Siguro parehas din kami ni Hayden, kung siya man nagcompose nito. I somehow believe in destiny. Kaya lang minsan ang absurd tingnan. Basta! Ang daming opposing know-it-all theories.

♪ Enough to make miracles change everything. Lift you from the darkness and make your heart sing. Love is forever when you fall. It's the greatest power of all ♪

Still, miracle? Really? Dyan na ako hindi masyadong naniniwala. Pero malay ko ba, baka may makapagpaiba rin dito.

Love will be forever if you know how to hold on. Even if you're not holding that tight, it's fine. Just make sure you won't let go.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now