Chapter 11: The Transition of knowing the truth and lies...

52.6K 814 26
                                    

Chapter 11: The Transition of knowing the truth and lies...

***

  

"Eh basta, ayokong sabihin ang salitang iyan. Paki nyo ba?"

"Sungit naman neto!" Sabi ni Yna.

"Joke lang. Oh sige na, gutom na ako oh. Hindi nyo pa ba ako pakakainin?" tanong ko. Gutom na ako sobra. And news flash, ayoko ng mga pagkain na binibigay nila sa hospital. Ang gusto ko lang kainin nung time na naka-confine ako eh yung mga dinadala ni Kenneth. Don't get me wrong, pero masasarap kasi talaga.

"Oo na po, prinsesa." Sabi naman ni Lindsay.

"Prinsesa? Ano ako, si ate Charlotte ni Kuya Ervin?"

"Sino naman yun?" Tanong ni Lindsay.

"Edi yung characters sa isa sa favorite TV Series ko, yung Forever I'll be your Prince, and Forever You'll be my Princess. Naman! Kaibigan nyo ba talaga ako at hindi nyo alam iyan? Psh. Nasira tuloy yung poise ng sinabi ko." Then poker face.

"Nako naman. Kumain ka na nga lang, baka mamaya kung saan pa magtransform ang pagkatao mo." Lindsay

Ngumiti lang ako at pupunta na dapat sa kitchen. Pero pinigilan muna ako ni Yna.

"Teka, Kath. "

"Bakit?" Gutom na nga ako sabi diba?

"Hindi mo manlang ba yayayaing magstay dito si Kenneth?" tanong nya.

"Bakit pa? Kasalanan naman nya lahat ng mg—"

"Yan ka nanaman eh, lagi mo nalang syang sinisisi."

"Oo nga naman Kath." Pag-agree ni Lindsay kay Yna.

"Eh bakit? Totoo naman ah?"

"Naman, Kath! Sayang naman yung mga efforts na ginawa nya para sayo. Hindi mo ba alam—?"

"Teka, anong efforts naman yan?"

"Alam mo bang nagpaturo sya sa amin mag-luto ng mga pagkain?" Sabi ni Lindsay.

Okay, I was stunned! Di kaya sya yung nagprepare lahat ng pinakain nya sakin?

"Totoo yun, effort na effort nyang gawin yun ha? At ang bilis nyang matuto. So mukhang pursigido talaga syang ipagprepare ka." Dagdag naman ni Yna.

Hindi ako makausap. Totoo kaya yun? Kung totoo nga, edi parang ang inconsiderate ko naman ng lagay na 'to.

"Huy! Magsalita ka naman oh." Pang-gulat sakin ni Lindsay, pero hindi pa rin ako natinag.

Sobrang na-appreciate ko naman yung ginawa nya. Swerte sya at nagawa ko pang ma-appreciate yun. At sa tingin ko naman swerte din ako, dahil alam kong bihira lang ang lalaking nage-effort magluto para sa babae.

"Nako. If I know, hindi lang yan makapaniwalang ginawa yun ni Kenneth sa kanya." Sabi ni Yna, at dahil dun natinag na ako.

"Huy, hindi noh." OO, HINDI TALAGA AKO MAKAPANIWALA. "Teka lang ha? Sige mauna na kayo sa kitchen, lalabas lang ako."

"Sa wakas!" Sabi nilang dalawa. At siguro na-gets na nila kung anong gagawin ko.

Lumabas na ako ng bahay, at thankfully, or more like unfortunately eh nandun pa din si Kenneth. Nai-start na nya yung kotse nya.

"KENNETH! WAIT!" sigaw ko, pero umandar na yung kotse nya. Hala! Hahabulin ko pa ba? Sakit pa din kaya ng katawan ko.

Hinabol ko pa din sya. Ngayon, ako naman ang mage-effort, kahit ayaw ko. Hinabol ko nang hinabol yung kotse nya hanggang sa makarating na kami sa may intersection sa may kanto ng street namin. Ang layo din ng tinakbo ko ha? Yun ang tinatawag nating effort. Diba? :DD

At sa wakas, tumigil na din yung kotse nya.

"What the hell, Kathy?!" Sabi nya agad agad nung bumababa sya ng kotse nya.

Naku po, eto na naman tayo sa Kathy-name.

"KATH!" Syempre nai-correct ko ulit.

"No, Kathy!" Ngiti ngiti ka pa dyan eh. "So, what are you up to?" Tanong nya sakin habang tinitingnan ako na parang concerned.

"I, uh..." Imbitahan ko pa ba sya? Parang naman napahiya ako sa paghabol sa kanya. Tch. Pero sige, itutuloy ko na. "Could you stay in our house for a while?" Hindi muna sya nakasagot, parang lang hindi sya makapaniwalang inalok ko sya. Pero tama lang, hindi ako nagiimbita ng kung sino lang sa bahay namin. "Well, if you don't want to th—"

"I thought you'd never ask." Then he hugged me softly. Grabe! I felt my face heated up.

So, pinasakay nya ako sa kotse nya. And this time, SA UNAHAN NA. Yay! Syempre joke lang, as if namang big deal sa akin ang pag sakay sa unahan ng isang sasakyan.


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon