Chapter 25: Conclusion Observed

47.5K 764 57
                                    

Chapter 25: Conclusion Observed 

***

Kinabukasan, mga nine AM na ako nagising. Oh diba ang agap? Puyat at pagod eh. Dahil one storey house lang naman 'tong bahay nila Lola, hindi ko na kailangang pagurin ang binti ko pag-baba.

"Good morning, beautiful."

"Yes, thank y—" nasamid yata ang utak ko. Oo, ang utak ko. Kakaiba ako eh, bakit ba.

"Let's eat. They're waiting na s-sa dining room."

"Magsasalita lang kailangan TagLish pa. Tss." I murmured.

"Sorry, I didn't catch that. What was it again?"

I forced a fake smile, "Nothing. Tara?"

Nauna siyang pumunta sa dining area, at ako naman ay diretso sa may salamin na madadaanan bago mag kusina.

Beautiful, beautiful pa siyang nalalaman. Tss! The heaven I care?!

"Eeeek!" I shrieked. May muta pa ako. Liar talaga yung mokong na yun.

"Beautiful ba ang may muta?" I asked myself silently, mahirap na baka mapagkamalan pang nababaliw dito. "Beautiful ba ang hindi pa nagsisipilyo?" At sabay ko namang kinulong ang bibig ko at huminga, hohoho! Di mabaho, sarreh ka! Hahaha. "Beautiful ba ang mukhang haggard?" At sinampal sampal ko naman nang mahina ang pisngi ko.

"You are beautiful to me."

Napalingon naman ako.

"E-hehehe. B-bakit ka andito?"

TCH! Nakakahiya kaya yung ginawa ko, pang-baliw lang eh.

"Well," he paused to look down, "I cannot eat without you." at tsaka nya inangat ang mukha nya na may malapad na ngiti.

"I-ikaw ta-talaga. Li-lika na n-nga!" kainis, bakit ako nauutal?! Hinila ko siya papuntang dining area. Parang Déja vu lang ah?

"Chansing again, Kath? Haha!" he teased.

Kaya naman agad agad kong binitawan ang kamay nya. "Ang kapal mo! Dyan ka na nga!"

Masarap na pagkain, mapait na usapan...

Nakaka-yeah! Bakit ba kasi hindi maalis sa isang pamilya ang tuksuhan?! Yun bang kapag nakita ka lang kasamang lalaki, or opposite gender of yours, ay aasarin ka na. Nakakainis yun diba?! TCH!

"Mom!" pag-saway ko sa kanya. Oh diba, lume-level up na ako. De, joke lang.

"Why anak? You two look good together. You should be steady already." sabay tawa naman ni mom.

"Looks don't matter." I contradicted.

"Really, Kath?" Kenneth raised an eyebrow while he wore a 'makalaglag-panty' smile. Eeeep!

"What?"

"The mirror incident." Tumawa pa siya.

"Whatever." I rolled my eyes.

"Ate wag kang ganyan, mamaya mag-back out si Kuya Kenneth sa pagc-court sa'yo eh. Hahaha!" Lyka

"Ano ka ba, Lyka. Di kaya susuko si dude! Diba nga Kenneth?" tanong ni kuya Kev kay monkey. Ngumiti naman ang mokong at nag-wink sa'kin. Ang pangit! Hahahaha! Okay, okay—honestly, that was cute.

"Kilig naman si Katherine. Uyyy. Hahaha!" pang-asar ni Lyka. Walang galang ang bata aba. Tss!

Waah! Nakakapang-init na ng blood here. See, I'm conyo na.

Tumayo na ako nang hindi tinatapos ang pag kain, at dumiretso sa kwarto. Nawalan na din naman kasi ako ng gana eh. Maya-maya ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili para naman makatulong ako sa labas. Thankful pa din ako dahil kahit ganito na nga ang sitwasyon ay nagagawa pa din naming magkasabay-sabay sa pagkain. Ang lolo ko nga pala ay nasa kwarto lang nya lagi, nanghihina na rin. Sana na lang ay hindi pa niya oras, dahil hindi namin 'to kakayanin.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon