Chapter 7: Playing fair

57.2K 931 36
                                    

Chapter 7: Playing fair

KATHERINE

Ano ba itong nararamdaman ko? Gustong gusto kong gumalaw, pero sobrang nahihirapan ako. Gustong gusto kong imulat ang mga mata ko, pero natatakot ako na baka may kung anong sumilaw sa akin. Pinilit kong mag-mulat. Ang sakit ng liwanag. nasaan ba ako? Ang huli ko lang naalala ay nabundol ako ng sasakyan.

Oo tama! At kasalanan lahat yun ni Kenneth!!! Pag nakita ko siya ay talagang makakatikim siya ng sapak!

Nung umaliwalas na ang paningin ko, nakita ko si Kenneth. Nakaupo sa tabi ng kama ko at nakatungo. Tulog yata. Ang himbing himbing, para siyang anghel na—teka! KENNETH?! Diba sabi ko kapag nakita ko 'tong mokong na 'to baka hindi ko mapigilan sarili ko?! Anak ng!

Tatabigin ko na sana siya gamit ang kamay ko, kaso yung isa ay may dextrose. Ano? Para saan naman 'to? Hayyy! At yung isa naman ay medyo nanghihina pa. Ang sakit ng buong katawan ko. Buti nalang hindi ako namatay. Mumultuhin ko talaga siya pag natuluyan ako.

"KATH?!" Oh? Ano't mukhang gulat itong mokong na to?

"Oh?" tinaasan ko pa siya ng isang kilay.

Niyayakap niya ako?

Feeling close. Agh! Susubukan ko sana siyang itulak, kaso wala nga pala talaga akong lakas. Swerte siya at nakakachansing siya. Upakan ko nalang siya pag malakas na ako.

"Great, now you're awake! I'm really really glad!" Then he smiled.

Anong ngiti yan? So hindi na ako nagsalita. Kaso naiilang ako eh, tinititigan niya ako. Ang tyan ko naman ay tumunog. Haha. Tumunog talaga. Hindi pa nga pala ako nakakakain.

"Kenneth."

"Yes?"

"I'm starving."

"Yeah, I thought so. You've been unconcious for about two days and–"

"Woah, wait! Two days?!" Tumungo at tumango lang siya.

"Uhh. Okay." Wala na akong iba pang masabi. At ano namang sasabihin ko? Thank you?! Thank you dahil nagsinungaling ka, pinahirapan mo ako, muntik mo na akong paiyakin, at dahil sayo nabundol ako ng sasakyan? YAN BA?! One... Two... Three...

Ayan, kalma na ang isip ko.

"Here." Tinapat niya yung spoonful of rice porridge sa bibig ko. Sige kakainin ko yan dahil gutom ako, but it doesn't mean na okay na at napatawad ko na siya.

Sinubuan niya lang ako hanggang sa naubos na yung nasa bowl. Ang sarap sarap. Ang galing ng nagluto ah, saan kaya niya binili to? Makabili din sometime.

"You want more?"

"No. I'm full." Kahit gusto ko pa, tumanggi ako kasi baka sabihin niyang inaabuso ko siya. At pero hindi pa rin ako magth-thank you. Nek nek niya!

"Well, I'm going home for a while. I need to change my clothes." He caressed my head for a second and then left.

Ayokong magisip ng kung ano. Ayoko muna. Teka, wala akong kasama dito? Ganun ganun nalang yun? Sila Yna at Lindsay, hindi manlang ba nila ako dinalaw?

Ay, kasi pala class hours pa. Ang dami ko nang na-miss na class. Baka matalo pa ako ni Kenneth sa pagiging Valedictorian. Eh, sila Mommy? Daddy, Kuya Kevin at Lyka? Wala ba silang pakielam sakin? Mukhang forever alone na ako dito.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon