Chapter 2: I'll take you home

113K 1.5K 78
                                    

Chapter 2: I'll take you home

Lumabas kami nang dala ko pa rin ang magkahalong kaba at pagkabalisang pakiramdam. Hindi ko nakita yung phone ko. Napakamalas ko talaga ngayon! Nakakainis!

Pinagkaguluhan naman si Kenneth ng mga babae habang naglalakad ako malayo sa kanya. Desperate people. Hindi dapat kayo ganiyan, you should all know better! Pero hindi ko nalang pinansin dahil nawawala ang phone ko at mas importante ‘yon, ano. Pero ayan na lumapit na siya sa akin, leaving his girls behind. Gahd! Ayoko nga sabi ng attention, or anywhere within it!

"Are you okay, miss? You look kind of worried." tinanong nya ako. It took me a couple of second para mag sink-in sakin yung tanung nya.

OO! Kanina fine pa ako. Pero nitong lumapit ka, patay na!

"Ah. Yes, I'm fine. I think." sagot ko habang tumitingin sa daan, hoping na makita ko na phone ko. Although pointless ang paghahanap sa daan, kasi malamang kung dito nahulog eh nakuha na ng iba, eh pinagpatuloy ko pa rin. I’m still hoping!

"Are you looking for something, miss?" nagtanong na naman sya.

Ngumiti ako nang malapad at halatang pilit. "Ang tanung tanong mo rin, ano?" Mabilis kong saabi dahil sa inis. Aba, wag siyang haharang harang. Naiinis ako ngayon at baka sa kaniya ko pa maibuhos 'to.

"Sorry, I didn't catch that." sabi niya, looking confused.

"Uhm," How should I start this? Tsk! "Ah, yes. I am looking for my phone."

"Maybe I can help you?" Then he smiled iyong pamatay. Pumayag din naman ako sa huli, hindi naman ako papayag mawala ang aking pinakamamahal na phone.

"Oh, and by the way please call me Kath." Miss kasi siya nang miss. Nakakainis! Uy, nag-rhyme. \m/

_

"Seems like your phone is nowhere to be found." sabi niya sakin. Teka! Joke iyon, right? 

"It's okay, I can find it myself. You can go wherever you want now. Go back to your girls." biro ko, natawa naman siya. Ngumiti na lang din ako. He still helped, diba? What's the point of being harsh now?

Hindi pa rin siya umalis sa tabi ko, ano kayang problema nito? Ay! Nga pala, ako ang guide niya. Ano ‘to, nagto-tour siya? Sosyal naman ng tour guide niya. Eh! Teka muna, hindi na talaga ako makapag-concentrate. I badly need my phone!

Papaiyak na ako nang may tumawag sa akin.

"Kaaaaath!"

Tumigin ako sa likod ko, si Lindsay pala yung tumawag. Lumapit sila ni Yna sa amin at nako baka may isipin itong mga ‘to. 

"Here's your phone, naiwan mo sa sasakyan kanina." binigay niya sakin, "Ikaw naman kasi, wag kang pabaya. First day na first day eh—Oh! Hello Kenneth." Nakita na niya si Kenneth na nasa likod ko. Ayan naaa, ayan na ang kanilang magagaling na assumptions.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon