Chapter 45: His smile and Himself

37.4K 547 23
                                    

Chapter 45: His smile and Himself

***


* Beeep! *

An interference. Buti na lang! Kung hindi, baka nakanakaw na ng halik 'tong mongoloid na 'to.

"Sooo great, Carl." sarcastic na sabi niya run sa nagddrive ng kotse. Natawa na lang ako. Nakita ko rin naman na tumawa yung lalaki kaya wala naman sigurong away na magaganap. Bumaba yung lalaki at bumulong kay Flynn. "Ohh, right." sabi niya run sa lalaki. Tumingin siya sakin. "We'll get you home. Let's go?"

Tumango lang ako. Inaantok na rin naman ako eh. Sana tulog na sila pag uwi ko para wala nang tanung tanong. Lalo pa't hindi nila alam na si Flynn ang kasama ko ngayon. Kenneth kasi ng Kenneth. Tss.

Nung nasa labas na kami ng tapat ng bahay, bumaba rin siya.

"Thanks." sabi ko na lang. Psh. Kasi naman, in the first place eh forced date 'to! Buti siya napapayag nya ako.

"No. I should be the one asking for thanks. So... Thank you." tsaka siya ngumiti.

"Fine. Sige. Pasok na ako." tumalikod na ako at binuksan yung gate.

"Wait!"

Pagkaharap ko, ang lapit agad nya sakin. Itutuloy na ba nya yung K-word na binalak nya kanina? Gaaahd, no!


Closer.

Layo.

He's stepping more closer.

Layo pa, Kath!

Hala! I'm blocked! Wala nang aatrasan pa. Shemay!


Ayan na pooo!

Hinarap ko yung mukha ko sa left at tsaka pumikit. Ayos pa sana kung sa cheeks lang eh! Tsssss!

"M-may p-pasok pa ako b-bukas. Uhm. B-bye!" tinulak ko siya tapos tumakbo na agad agad sa bahay.

"Bye KATH!" sigaw niya.

Woooh! Hiningal ako run ah. Grabe lang kasi. Totoo bang nangyari 'to? I just had a forced date with an international conceited star? Felt surreal in some ways.

Pagkapasok ko ng sala, nandun si Kuya. Naka-nganga na at natutulog. Hahahahaha! Epic face!


"KUYA!"

"I do, Telle!!!"

Tumawa ako nang malakas. "Feeling ka! Kasal agad?"

Mukhang nagising na naman si Kuya at umupo na. "Paki mo ba?!"

"Feeler ka kasi." umupo na rin muna ako sa tabi niya.

"Oh. Anung nangyari naman sa date na yan ha?"

"Eh teka lang muna. Kilala mo ba ang kasama ko?"

Napakamot sya sa ulo. "Uhmm. Sino nga ba?"

"Oh see. Pero wag na. Di ka rin naman maniniwala eh. Psh."

"Lanja! Nagtanong ka pa. Sino nga?"

"E ayoko! Bakit ba!"

"Ib-black mail kita."

"Isusumbong kita kay ate Telle."

"Hehehehehe. De, joke lang. Sino na nga muna kasi?"

"Si Jake Flynn."

"Lanja ka! Sino nga?" tsaka niya ako pinagtawanan.

"Oo nga. Siya nga kasi!"

"Don't tell me may gusto ka na rin dyan sa kinaaayawan mong singer na yan?"

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon