Chapter Four-The Gun's Bullet

186 6 9
                                    

 “Napakawalang-kwenta!” naibulalas ni Hilda na may kasama pa talagang paghalakhak matapos ang pagkukuwento ni Andrew. “Paano naatim ng isang babae ang pumatay for the sake of a doll? Isang malaking kabaliwan!”

“Hindi iyon basta isang manika lang Hilda.” Seryosong sagot ni Andrew sa kanya. “Iyon ang asawa niya.” Mga pagbubunyag ni Andrew sa dalaga. Kung kumilos nga si Lyndon ay parang napakatotoo nga ang sinabi niya at parang alam na alam niya ang buong katotohanan. Na parang nandoon talaga siya sa mismong kwento.

“Oh, that’s horrible!” bulalas ni Hilda ngunit kabalintunaan naman ang reaksyon niya. Napapatawa-tawa pa kasi siya sa istilo ng pagkakakwento ni Andrew dagdag pa mismo ang pagkawirdo ng kwento. “Itigil na nga natin ito! Baka mahawa pa ako sa’yo, Andrew.”

“Mabuti pa nga. Nanginginig na rin kasi si Cielo oh.” Wika ng binata sabay turo kay Cielo. Nakita nila ang nakakapanghilakbot na reaksyon nito habang nagkukwentuhan sila. Tila nagkaroon ng sariling magnet na humihila kay Cielo at hindi ito makagalaw sa kanyang puwesto. Halata ring kanina pa ito hindi mapakali.

“Ito talaga si Cielo oh, ano ka ba? Huwag ka ngang magpaapekto dyan! Maniniwala ka ba dito sa mga kababawan nitong si Andrew? Huwag ka ngang masyadong matatakutin!”

Dahil sa mga sinabi ni Hilda ay biglang tumindig si Cielo nang walang imik-imik. Napikon yata sa mga pinagsasabi ni Hilda. Tumalikod ito sa kanila at mabilis na naglakad palayo. Si Migz na nagmamasid sa may di kalayuan ay napatingin sa nangyayari sa kanilang tatlo at napakunot ng noo, marahil dahil sa pagtataka.

“Cielo, ano ba talagang problema mo? You’re acting weird lately! Kanina ka pa.” naiiritang tanong ni Hilda kay Cielo habang nahawakan na nito ang kamay ng huli.

“Bitawan mo ako!” pagpupumiglas ni Cielo ngunit lalo lamang hinigpitan ni Hilda ang pagkakapisil roon. “Sabi ko bitawan mo ako!”

“Hindi kita bibitawan!”

“Guys, relax. Relax!” pag-aawat naman sa kanila ni Andrew. “Pag-usapan natin ito. Ano ba talagang nangyari? May problema ba?”

“Wala akong problema. Uuwi na ako.” Matapang na sagot ni Cielo.

“What? Ano ba talagang problema ninyo? Meron ba kayong hindi sinasabi sa akin?” takang-taka na si Andrew sa mga ikinikilos ng kanyang mga kaibigan. Kung kailan mismong kaarawan niya ay saka pa nagkakagulo ang mga ito. Napabuntong-hininga na lang siya.

“Ok, I am sorry. Alam kong hindi naging maganda ang epekto ng ginawa kong prank sa inyo, kay Lyndon. But, as I said, prank lang iyon. Galing lang iyon sa walang kwentang alamat. Kaya please, huwag nyo naman sanang gawing malungkot ang araw na ito.” Mahihinuha na rin sa tinig ni Andrew na nadidismaya na siya sa mga nangyayari sa kanyang kaibigan. Lalo na’t iniisip niyang ang dahilan ng lahat ng ito’y ang kahibangang iyon.

“Ano na namang nangyayari rito?” hindi na rin naiwasang mangialam ni Migz na lumapit na rin sa kanila.

“Wala kang kasalanan dito, Andrew. So, you don’t have to say sorry. Hindi kayo ang dahilan kung bakit gusto ko nang umalis sa lugar na ito!” giit ni Cielo. Hinihigit ni Cielo ang kamay niya mula sa pagkakasakal ni Hilda ngunit wala yata siyang balak bitawan nito. Para siyang isang kriminal na kinukuwestyon sa presinto.

“Kung hindi kami, sino? Ano? May itinatago ka ba sa’ming lahat? May iniiwasan ka ba? Umamin ka nga sa amin, Cielo!” nahaharass na siya sa biglaang pagbabago ng kilos ni Hilda.

“Pwede ba tumigil nga kayo!” bulyaw sa kanila ni Migz habang hindi pa rin binibitawan mula sa pagkakaipit sa kanyang mga daliri ang sigarilyo.

“Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa araw na ito. Sa birthday ko!” binigyang-diin talaga ni Andrew ang salitang iyon. Kasing-init ng apoy na nagmumula sa bonfire ang biglaang pagbuhos ng luha ni Andrew dahil sa pagkadismaya. “Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo o kung ano ba talaga ang meron dito! Pero alam nyo, sa kinikilos nyo, parang hindi tayo magkakaibigan dito. At ang malala pa doon, sinira nyo ang dapat sanang masayang selebrasyong ito!”

Natigilan sila sa mga sinabing iyon ni Andrew. Tama ito. Nakalimutan na nila ang layunin nila kung bakit sila naroon. Sinira nga nila ang dapat na masayang birthday celebration ni Andrew dahil lang sa isang napakababaw na dahilan. Ano nga ba ang dahilan? Sila pa namang mga kaibigan niya ang piniling makasama. Nakakahiya.

“Kung hindi lang kasi dahil dito sa buwisit na babaeng ito!” pagbabalik ng sisi ni Migz kay Cielo.

“Tumigil na kayo!” todong pagsigaw ni Andrew sa kanila. Ngunit hindi iyon ang nagpatigil sa kanila. Kundi—

Isang alingawngaw ng putok ng baril.

“Diyos ko, what’s that?” gulat na gulat na nausal ni Hilda. Lalong napahigpit ang pagkahawak niya kay Cielo. Hindi para harasin ito kundi para makahanap ng makakapagpalubag sa matinding gulat at takot.

“What the hell? Sino ‘yun?” malakas na mura ni Migz. Sino nga ba naman ang magtatangkang magpaputok ng baril sa gitna ng katahimikan ng gubat sa hatinggabi? Mga mangangaso? Imposible! Napakalapit niyon sa lugar nila.

Napalinga sila sa paligid nila. “Nasaan si Peter?” agad na naitanong ni Migz.

“Eh, si Lyndon, nasaan rin?” Hindi na naitago pa ni Cielo ang pag-aalala para sa binata. Sa totoo lang ay kanina pa niya ito hinahanap ngunit tumahimik lamang siya. Ngunit matatalim na tingin ang isinukli sa kanya ni Migz. Wala nga si Lyndon. Wala rin si Peter. Kanina’y mahimbing lamang itong natutulog sa mat dahil sa kalasingan habang nagkukuwentuhan sila. Alam nila. Ngunit wala na ito ngayon roon. Inisa-isa nila ang mga tents ngunit walang bakas na nagsasabing naroon si Peter. Si Lyndon naman ay tahimik lamang na kumain at hindi na ito masyado uminom.

Sino iyon?

“Hindi kaya— hindi mapakali si Hilda habang pabulong-bulong sa isip niya. “Hindi maaari!” nahintakutang saad ni Hilda. Ngunit pagbalik niya sa bonfire ay kanina pa pala siya iniwan ng tatlo pa niyang kasama at nagtatakbo na sa lugar kung saan nagmula ang dagundong. Naiwan siya roon at walang nagawa kundi ang mapaluhod.

“Huli na tayo.” Napasapo na lamang si Andrew sa kanyang noo. Hindi na niya alam kung ano na ba ang dapat maramdaman dahil sa rebelasyon. Si Migz naman ay pailing-iling na lang habang hinihithit pa rin ang hindi maubos-ubos na sigarilyo. Maging si Cielo ay nanghina ang tuhod sa nasaksihan. Naglalangoy na sa sariling dugo ang biktima.

Patay na si

NightWhere stories live. Discover now