Chapter Two-The Car Accident

207 9 7
                                    

“Bakit bigla mong itinigil? Anong nangyari,Peter?” biglang tanong sa kanya ng katabing si Hilda dahil sa biglaang pagpreno. Muntikan pa nga silang mapauntog dahil sa tindi ng inertia. Maging ang iba ay kinabahan rin sa pag-antala ng biyahe. “Peter,ano?”

Kitang-kita nila ang naging reaksyon ni Peter. Namumutla na ito sa takot at panginginig. Hindi ito makapagsalita.

“Bro? Ano nangyari? Ayos ka lang ba?” pag-aalala sa kanya ni Lyndon na noo’y nasa likuran niyang bahagi.

“Guyz…May…may…nabangga ako…” maririnig ang gumagaralgal na tinig ni Peter dahil sa takot.

“What!!???”

Dali-daling nagsibabaan ang lahat para tingnan ang nabangga habang naiwan lang si Peter sa driver’s seat na hindi makagalaw at tulala pa rin sa nasaksihan.

“Oh my God!” nanghihilakbot na reaksyon ni Hilda. Tumambad sa kanya ang katawan ng isang lalaki. Nakasuot ng itim habang naglalangoy na sa sariling dugo.

Halos manlamig rin ang iba pa dahil sa nakita. Gulat na gulat sila dahil wala ng buhay ang lalaki. Halos madurog ang katawan ito.

“Ano..anong…gagawin natin sa ..kanya?” kinakabahang tanong ni Cielo na napahigpit pa ang pagkakahawak sa kamay ni Lyndon.

“Ano pa? Eh…di iiwan? Eh..patay na siya eh…Wala na tayong magagawa.” Pilosopong sagot ni Migz kay Cielo na halatang nairita dahil sa napansin nitong pagdikit kay Lyndon. “Baka gusto mo pang hawakan ang kamay niya?”

“Ano ba Migz? Stop Joking please!! Hindi ito magandang biro! Kanina ka pa ha!?” inis niyang balik rito.

“Walang pwedeng makaalam nito.” Hayag ni Hilda. “Ilayo natin ang bangkay rito.”

“That’s useless. Eh di lalo tayong mapapahamak sa suggestion mong iyan, Hilda? Saka wala namang nakakita eh. Tingnan mo. Tayo lang ang nandito.” Turo ni Migz sa madilim na kapaligiran. Puro matataas na puno lang ang nasa paligid nila at wala nang mga kabahayan pang naroroon.

“Pero responsibilidad natin siya!!” giit ni Hilda na napikon na rin kay Migz.

“Bahala kayo. Basta ako…papasok na ako ng sasakyan.”

Napatitig si Hilda sa mukha ni Lyndon at Cielo. Sila na lang ang naroon na puwedeng tumulong sa kanya. Ngunit hindi rin siya pinansin ng mga ito na sumunod na rin sa sasakyan.

Napabuntong-hininga na lang si Hilda saka siya napilitang sumakay na rin. Wala nang saysay pang ipagpilitan ang suhestyon niya dahil wala namang tutulong sa kanya sa lagay na iyon. Ang tanging pinakamainam nilang gawin ay magpanggap na walang nangyari.

Naabutan nila roon si Peter na nananatili pa ring tulala.

“Ako na ang magmamaneho.” Wika ni Hilda sa kanya ngunit parang hindi naman siya nito narinig.

Nanginginig pa rin ito sa takot kaya’t yinakap siya ni Hilda. “It’s ok, Peter. Wala kang dapat ikatakot. Aksidente lang ang nangyari…Isa pa wala namang makakaalam nito kundi kami lang din. Stop worrying ok?”

“Hin…hindi..iyon…ang ikinatatakot ko…” gatul-gatol na wika ni Peter.

“Eh ano?”

“Kitang-kita ko…ang…ang…nabangga ko…ay…si…Migz!...Kamukhang-kamukha siya ni Migz!” Palatak ni Peter.

“Pero Peter, namamalikmata ka lang! alam mo namang kasama natin si Migz di ba?” nanghihilakbot ring reaksyon ni Hilda.

“Nagsasabi ako ng totoo!” sigaw ni Peter.

NightWhere stories live. Discover now