Chapter One-The Doll Head

466 10 12
                                    

Chapter One-The Doll Head

4:08 pm ang rumehistro sa mukha ng orasan sa braso ni Lyndon. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. Wala siyang ibang nakita kundi ang mga pumapatak na dahon na nanggagaling sa matataas na puno sa kanyang likuran. Napakatahimik ng buong lugar. Madilim na at nakakapanglaw pa ang mga huni ng ibon.

“Nasaan na sila?”

Halos himatayin si Lyndon sa takot at kaba nang biglang may pumatak na duguang ulo ng tao sa kanyang harapan. Ang mga mata nito’y nakamulat at nakatitig sa kanya na animo’y nagsasabing ikaw na ang susunod na mamatay.

“Oh my God!” napaurong na siya sa kinatatayuan at akmang tatakbo na ngunit may biglang malalamig na kamay na humawak sa kanyang braso. Naibuo niya ang kamao para ipagtanggol ang sarili ngunit paglingon niya ay—

.

.

.

“Trick or treat!”

Naghahalakhakang mga tinig ang sumalubong sa kanya. Ang kanyang mga kaibigang tuwang-tuwa siyang pagmasdan dahil sa kanyang  nanghihilakbot na reaksyon.

“What the fucking!!?” iyon lang ang nasabi ni Lyndon sa harap ng mga kaibigan. Nakaramdam siya ng inis sa mga ito ngunit nakahinga na rin siya ng maluwag dahil biro lang ang lahat.

“Natakot ka ba sa manikang inihanda namin para sa’yo pare??” natatawa-tawa pang tanong ni Migz.

Ngunit sa halip na sumagot ay sinapak siya ng malakas ni Lyndon sa mukha. “Bitch! I admit… Natakot nyo ako! Alam nyo bang kanina ko pa kayo hinihintay rito!?? 3:30 ang usapan natin di’ ba?”

Hindi na pinansin ni Migz ang pananapak sa kanya ng kaibigan. Kumbaga, normal na sa kanilang magkakaibigan ang magsapakan bilang uri ng pagbati.

“Pasensya ka na Donz ha!? Ito kasing si Hilda kung anu-ano pang dinala eh. Akala mo naman eh doon na tayo titira sa Mount. Ahasin.” Pagpapaliwanag ni Cielo, ang isa pa sa mga babae nilang kaibigan.

“So pa’no? let’s go? Tiyak na gagabihin na tayo pagpunta sa bundok.” Pagyayakag na ni Peter na noo’y hindi na bumaba sa owner-type jeep.

Mabilis na nga silang sumakay sa sasakyan. Malayo pa kasi ang bibiyahe nila para makarating sa hiking venue nila sa Mt. Ahasin. Mga alas otso na rin siguro sila makakarating doon.

Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin nila naiwasan ang mag-asaran. Hindi pa rin nila malimutan kung paano natakot si Lyndon sa panggugudtym nila.

“Lakas talaga ng tama nyo noh!? September pa lang ngayon may nalalaman na kayong trick or treat! Sino ba may pakana nun sasapakin ko talaga hanggang di makalakad!”

Natatawa-tawang nagsalita si Peter. “Pare, ang totoo talagang may pakana nito ay si Andrew.” Pambubuking nito. “Kumagat naman kami kasi alam naming matatakot ka talaga.”

“Shit! Si Andrew! Yari sa akin ang bwisit na iyon! Teka, asan na nga pala si Andrew? Ba’t wala siya?”

“Umuna na sa Mount Ahasin. Siya na raw bahala magset-up ng mga tents at maghanda ng iba pa nating kailangan.”

“Buti naman pala. Medyo nabawasan na ang galit ko!”

Nagkatawanan pa ng malakas sa sasakyan dahil nakunan pala ng litrato ni Migz ang hitsura ni Lyndon kanina. Pinagtapunan at pinaglaruan pa nila ang ulo ng manika nang biglang—

.

.

.

“Oh, my God!” malakas na tili ang pumailanglang sa loob ng sasakyan. Si Cielo. Nanlaki ang mga mata nito na animo’y nakakita ng multo. Napabitaw ito sa pagkakahawak sa manika at naitapong bigla.

“Anong nangyari, Cielo? Ba’t bigla ka na lang sumigaw? May problema ba?”

Halos hindi mabigkas ni Cielo nang mabuti ang sasabihin at inaalihan pa rin siya ng matinding takot. Nagtindigan ang mga balahibo nito.

“Kitang-kita ko!! Yung..yung…ma..manika…gumalaw yung..mata nung manika!!”

Sa halip na paniwalaan siya ng mga kasama’y nagtawanan pang bigla ang mga ito.

“Hello, Cielo? Grabe ka naman manggudtym ha…ibang-iba ang style mo! Astig…pero..sori…di mo kami matatakot!!” pagbibiro ni Migz habang di pa rin natitigil sa paghagikhik.

“Guyz…maniwala kayo! Halimaw ang manikang iyan! Demonyo ang manikang iyan!” Mga palatak ni Cielo.

“Ano ito…Chuckie?? Cielo relax ka lang…epekto lang iyan ng panggugudtym natin kay Lyndon at mga horror movies. Isa pa…hindi mo talaga maiiwasang mag-isip ng mga kung anu-ano kasi papunta talaga tayo sa isang wirdong lugar. Relax lang ok?” pagpapakalma ni Peter at Hilda sa kanya. Gayunman ay iginiit pa rin niya ang kanyang nakita.

Para pasinungalingan ang mga sinasabi ni Cielo ay kinuha ni Migz ang manika saka ineksamin kung gagalaw nga ito. Lalo lang napapatawa si Migz dahil pinagtritripan na niyang kausapin ang manika ngunit wala naman talagang nagbabago rito.

“Oh, Cielo, see? Imagination mo lang ang lahat…” pagkabigkas niyon ay nakuha pang ihagis muli ni Migz kay Cielo ang manika dahilan para mapasigaw na naman ito.

“Ilayo nyo sa akin ang manikang iyan!!”

“Ok, Cielo, relax. Relax.” Si Hilda iyon. “ Ano ba Migz. Itigil na natin ang laro, puwede. Itabi mo na yan please. Kita mo na ngang natatakot na iyong tao eh!”

“Sori..Madaam Hilda.” Itinapon na lang ni Migz sa kalsada ang manika para siguradong wala na talagang gulo.

Ngunit si Cielo, hindi pa rin maalis ang takot. Buti na lang at katabi niya sa sasakyan si Lyndon. Hinawakan siya nito sa mga palad para alisin ang kanyang pangamba. “Don’t worry, Cielo, wala na iyong manika.”

Naramdaman ni Lyndon ang panginginig ni Cielo. Dahil roo’y hindi niya tuloy maiwasang mapaisip. Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Cielo?Paano kung may buhay nga ang manikang iyon?

Rumehistro na muli sa kanyang isip ang imahe ng manikang iyon nang makita niya ito kanina. Nakatitig ito sa kanya at animo’y nagsasabing siya na ang susunod na mamamatay…

“What happened!??” nagulat ang lahat nang biglang huminto ang sasakyan.

NightWhere stories live. Discover now