Chapter Three-The Culprit

191 7 15
                                    

Chapter Three-The Culprit

“Happy birthday…Happy birthday…Happy birthday to you!” pumailanglang sa tahimik na gubat ang galak ng magkakaibigan habang kinakantahan si Andrew. Hindi naman maitatago ng binata ang saya dahil pinagbigyan siya ng mga ito na doon magcelebrate ayon sa plano niya. Sa nakakatakot na bundok na iyon. Ngunit bakit nga ba niya doon piniling magdiwang ng kaarawan?

“Thank you, guys!” wika ng binatang may malalalim na biloy sa pisngi na lalong lumulutang sa matamis nitong ngiti. Tumindig siya malapit sa bonfire habang nakaharap sa barkada at agad naman siyang pinalakpakan ng mga ito. “Kainan na!” pagkabanggit niya nito’y kumuha siya ng isang boteng beer at nilaklak iyon hanggang sa huling patak. Kumbaga sa children’s party, iyon na ang nagsilbing ‘blowing of candles.’

Tila sumugod naman sa giyera ang magkakaibigan at sinunggaban ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa kanila sa picnic mat. Wala pa ngang limang minuto ay halos maubos na ang mga ito. Paano ba naman ay kanina pa sila nakakaramdam ng gutom. Sinimulan na rin ng iba ang inuman at kaguluhan. Nagsasayawan pa na animo’y nasa disco bar lang sila. ‘Buhay’ na naman ang gabi nila. Parang walang nangyari kanina.

“Ang sarap talaga nitong litson, pareng Andrew!” untag ni Hilda kay Andrew habang kinukurot at pinapapak ang karne sa harap niya. Iyon talaga ang pinagdiskitahan niya dahil hindi naman siya masyado umiinom ng alak. Hindi halatang matakaw kumain itong si Hilda dahil napakasexy ng pangangatawan nito. Nginitian naman siya ng kausap na katabi lamang niya.

“Ako pa talaga ang naglitson niyan! Gusto ko kasing hands-on ako sa mga ipapakain ko sa mga tropa ko! Nakakahiya naman sa inyo eh!” sabay hagalpak ng tawa.

“Yan ang gusto ko sa’yo, pare! Kaya, let’s drink to that!” pangungulit ni Peter na halatang tinamaan na agad ng mga nainom dahil halatang namumula na ang mukha nito. Maya-maya pa’y bumulagta na nga sa latag si Peter. Hindi na nga niya naiabot pa ang baso kay Andrew. Lasing na agad ito.

“Hay, tigbak agad!”nagtawa pa si Andrew kahit na natapunan siya sa damit ng alak. Napansin naman ni Hilda na nasa may malayong bahagi na nila si Cielo at mapapansin sa ikinikilos nitong may problema. Tahimik lamang itong hinihimay at binibilang ang marshmallow sa kamay niya. Kanina pa ito balisa at hindi mapakali na parang may ipinag-aalala.

“Cielo!” tawag sa kanya ni Hilda. “May problema ba?”

Ikinagulat niya ang biglang pagtawag sa kanya ni Hilda. Paglingon niya rito’y nagawi ang paningin niya sa binatang nakasandal sa isang puno. Si Migz habang naninigarilyo. Binawi niya agad ang titig rito nang mahuli siya ng binata na nakatingin. Ibinaling na niya ang atensyon sa bonfire kung saan naroon si Hilda at Andrew.

“A-ah…wala. Wala.” Matipid niyang tugon.

Napahugot ng hininga si Hilda. “Cielo, don’t mind what had happened, kanina. Init lang iyon ng ulo. Kalimutan mo na iyon! Everything’s will be fine between Lyndon and Migz, ano ka ba? Parang hindi mo naman kilala ang dalwang ‘yun!”

Lalong nahiya si Cielo dahil hindi niya akalaing iyon ang pupuntuhin sa kanya ni Hilda. “No. Hindi iyon. Alam ko naman iyon eh. Ok lang ako.”

“Hey, Cielo! Bakit ka nagmumukmok diyan? Halika ka nga rito! Kaysa lamukin ka dyan mabuti pa magkwentuhan muna tayo rito!” yakag sa kanya ni Andrew. Hindi na siya nakaangal pa nang higitin ng binata ang kanyang kamay at dalhin siya sa kinaroroonan ng apoy.

“Ano ba kasing iniisip mo, Cielo, at parang takot na takot ka? Huwag mong sabihing napapanglaw sa mga mumu dito?” may halong pang-aasar sa tinurang iyon ni Andrew. Lalo pa’t alam nitong likas talaga siyang mapapaniwalain sa mga supernatural beings.

Bago pa man makatanggi si Cielo ay nagsalita na si Hilda. “Ikaw kasi Andrew eh!”

“Oh, anong ginawa ko?”

“Remember iyong manika na ibinigay mo sa amin para ipanakot mo kay Lyndon? That was actually the reason why natatakot si Cielo. She thought it was moving.” Pagbubunyag ni Hilda. Hindi maiwasang makaramdam ng hiya si Cielo dahil parang pinamumukha ng mga itong napakababaw ng dahilan niya.

 “Manika lang iyon ano ba kayo! Malabong gumalaw iyon!” Napatawa ng malakas si Andrew. ‘”Actually nalaman ko lang ang nakakatakot na prank na iyon sa Legend of the Mt. Ahasin.”

“Legend of Mt. Ahasin?” punong-puno ng pagtataka si Hilda. “Ano iyon?”

“Gusto nyo ba talagang ikwento ko?” may halo pang paninigurado sa tanong ni Andrew. Tumingin siya sa mukha ni Cielo upang malaman ang magiging reaksyon nito. Ngunit tumango lamang ito na sagisag ng pagsang-ayon.

“Ok…ganito kasi iyon eh…”

 Sa gitna ng pagdiriwang ay lihim palang umalis si Lyndon. Dala ang isang flashlight ay nagtungo siya sa di kalayuan at naupo sa isang tuyong kahoy. Doon tahimik lang siyang nakatanaw sa nagkikislapang mga bituin at sa bilugang buwan na natakpan ng ulap ang kalahati. Sa lalim ng kanyang iniisip Gusto niyang mapag-isa. Hindi niya kayang makipagsayahan sa mga kaibigan kung wala siyang gana. Lalo pa’t nakakaramdam siya ng pagkailang sa mga ito.

Bakit ba ako pinag-iisipan ng masama ni Migz pagdating kay Cielo? Dahil ba nagseselos siya? Eh bakit naman siya magseselos? Magkaibigan lang kami ni Cielo at hanggang doon na lang iyon! Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinabi niya samantalang wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa? Pero bakit ba ako nagkakaganito?

Sa lalim ng kanyang pag-iisip ay napapitlag siya nang biglang may kumaluskos sa damuhan. Napatigil siya at nakiramdam. Bigla siyang kinabahan dahil pakiramdam niya ay parang may nanonood sa kanya sa di kalayuan. Sinubukan niyang itutok ang ilaw ng flashlight sa likod ng puno kung saan nagmula ang kaluskos ngunit wala namang naroroon. Dahil gusto niyang makasiguro ay tumayo na siya upang puntahan iyon. Ngunit bago pa man niya iyon matunton ay biglang—

Nakaramdam siya ng matigas na bagay na pumukol sa kanyang ulo mula sa likuran. Napabuwal at napadapa siya sa damuhan at nabitawan ang flashlight niyang hawak. Pinilit niyang tumayo ngunit nahihilo na siya dahil sa epekto nang ginawa sa kanya.

“Paalam, Lyndon!” narinig niyang humahalakhak na wika  ng salarin. Sinubukan niyang lumaban ngunit bumibigay na ang talukap ng kanyang mga mata.

“Ikaw? Bak—

NightWhere stories live. Discover now