"Makikita rin natin siya..." turan ko rito na para bang naiintindihan niya ang sinabi ko.

I sighed again bago binuksan ang pinto na nasa harap ko.

"Alain!" ang boses kaagad ni Vionna ang una kong narinig pagkabukas ko ng pinto ng classroom namin.

"Diancie is finally here! She's safe!" segunda ni Misty dahilan upang mapalingon ako sa gawi niya at doon nakita ko ang isang babae na ilang araw ding hindi pinatahimik ang mga gabi ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang ngumiti sa akin. That's new. She never smiled at me before...

Mas lalo pang kumunot ang noo ko nang hindi ko maramdaman ang pakiramdam sa tuwing nalalapit ako sa kanya. Iyong pakiramdam na parang hinihigop niya ang hangin sa katawan ko dahil hindi ako makahinga kapag malapit siya at idagdag pa ang kakaibong tibok ng puso ko, everytime I can feel her presence. Where are those feeling now? Bakit bigla na lang nawala?

Bahagya kong sinipat ang eievui na nasa balikat ko. Wala itong reaksyon na para bang hindi niya kilala si Diancie. Nakamata lang din ito at wari nakikiramdam sa paligid na taliwas sa magiging reaksyon niya na inaasahan ko kapag nakita niya si Diancie.

"Hello Alain! Kumusta?" bati niya sa akin na mas lalong nagpatindi ng duda ko.

Pinasadahan ko ng tingin sina Cilan na tahimik lang na nakamasid sa tatlong babae. Katulad ko ay nakakunot din ang mga noo nila. Siguro ay dahil naninibago rin sila sa inaasta ngayon ni Diancie.

"Galit ba sila sa akin?" rinig kong tanong ni Diancie kina Vionna.

"Naku! Hindi... Ano ka ba? Siguro nagulat lang sila na nandito ka na." sagot ni Misty.

Inilibot ni Diancie ang kanyang mga mata sa amin at nang dumako sa akin ang paningin niya ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

"Oh my God! Eievui!" she exclaimed saka patakbong lumapit sa akin. Akmang kukunin na niya sana ang eievui na nasa balikat ko nang bigla itong tumalon sa sahig at galit na umungol habang nakatingin kay Diancie na nanlilisik ang mga mata! The fuck!

Si Diancie naman ay bahagyang napaatras sa gulat. Nang nilingon ko sina Vionna ay bakas din sa mga mata nito ang pagkagulat. Sinong hindi? Eh sa pagkakaalam nila ay napakalambing ng eievui na ito kay Diancie tapos ngayon...

Muli kong binalingan si Diancie na halata sa mukha na hindi alam ang gagawin. Panaka-nakang sumusulyap siya sa amin na para bang humihingi ng tulong which is so unsual kaya naman ay mas lalo pang tumindi ang pagdududa ko.

Mabilis akong gumawa ng espadang gawa sa yelo at itinutok iyon sa leeg niya. "Who the hell are you?" malamig kong tanong sa kanya.

Biglang rumehistro ang takot sa mukha niya nang makita ang espada kong nakatutok sa leeg niya at handa nang bumaon.

"T-teka... A-ano ba iyang pinagsasabi mo A-alain? S-syempre ako ito, si Diancie..." utal nitong tugon na ikinailing ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong matigilan dahil sa isang maliit na bolang apoy na mabilis na bumulusok at tumama sa braso ni Diancie.

"Ang pinakaayoko sa lahat ay ang ginagaya ang kagandahan ko." anang boses sa likuran ko kung nasaan naroon ang pintuan ng classroom.

Sabay-sabay naming nilingon ang nagsalita and there I saw, another Diancie standing beyond the door.

"I knew it!" I heard Cilan exclaimed na para bang may naisip na tama.

"You! How dare you imitating me!" hiyaw ng Diancie'ng naabutan ko kasabay niyon ang pagdamba ng eievui sa Diancie'ng bagong dating na siyang nagpatunay kong sino sa kanila ang totoong Diancie.

Kita ko ang pagtaas ng kilay ng Diancie'ng bagong dating at nang makaayos na sa pagsampa sa balikat niya ang eievui, humakbang siya papalapit sa isa pang Diancie. Hindi kami nakaimik at tahimik lang na nakamasid, hinihintay ko ano ang gagawin ng totoong Diancie sa pekeng siya.

"You still have the guts huh? You really wanna burn in hell ey..." pahayag ni Diancie sa walang emosyong boses.

Bago pa man makagawa ng hakbang ang pekeng Diancie, isa nang kadena ang naunang pumulupot sa leeg nito dahilan para muntikan na itong masakal.

"Show. Yourself." may diin sa bawat bigkas na utos ni Diancie sa pekeng siya habang nasa leeg pa rin nito ang kanyang kadena.

"R-release m-me..."

"Show. Yourself." ulit ni Diancie at lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sa kadena sa leeg nito. "Or I'm gonna toast you to death." seryuso niyang dagdag kasabay nang pagpalabas niya ng apoy sa kaliwa niyang kamay.

Nanlaki ang mga mata ng pekeng Diancie nang makita ang apoy at sa isang iglap ay biglang nagkaroon ng pagbabago sa itsura niya.

"Metamon..."


*****

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

The Curse Of The Sword (Completed)Where stories live. Discover now