Kinabukasan ay maaga akong nagising para tumulong kay Tita Rose sa pagluto ng umagahan namin. Mamayang alas tres pa naman ang trabaho ko sa restaurant kaya may oras pa ako para tumulong kay tita sa mga gawain sa bahay.

"Good morning sa pinaka maganda kong tita." Bati ko sa kanya. Agad siyang ngumiti dahil sa sinabi ko.

"Nako, huwag mo na akong bolahin, Abigael." Nakangiti niyang sabi.

"Bakit po? Totoo naman ang sinabi ko." Sagot ko.

"Ewan ko sa 'yong bata ka. Bakit ang aga mong gumising? Mamaya pang alas tres ang pasok mo ah. Baka inaantok ka pa. Matulog ka pa ulit doon." Sabi niya habang nagluluto ng sinangag na kanin.

"Gusto ko pong tumulong sa pagluto ng agahan natin." Nakangiti kong sagot.

"Sigurado ka ba? Kaya ko naman na ito." Tanong niya.

"Opo. Tutulong po ako." Sagot ko.

"O siya, sige, ikaw na ang magluto ng isda na ito at tatapusin ko lang itong pagluto ng sinangag." Sabi niya at isinalin na ang sinangag sa isang plato at binigay sa 'kin ang lulutuing isdang bangus na maliliit.

Pagkatapos kong magluto ng bangus ay kumain na rin kami. Dahil gutom ako at masarap ang nakahandang pagkain sa lamesa ay agad ko iyong nilantakan.

Nang matapos kaming kumain ay ako na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Samantalang si tita ay inilabas na ang mga maruruming damit na ipinapalaba sa kanya.

Dahil konti lang naman ang hugasin ko ay mabilis kong natapos iyon. Kaya lumabas ako ng bahay at nadatnan ko roon si tita na nagsisimula na sa paglalaba. Lumapit ako sa kanya at kumuha ng isang maliit na upuan at inilagay ko iyon sa kaharap niya.

"Tulungan na po kita." Sabi ko at nagsimula ng mag kusot ng damit.

"Nako naman, Abby. Kaya ko na ang mga 'to." Sabi niya.

"Mamaya pa naman po ang trabaho ko kaya tulungan na po kita para mabilis matapos." Sagot ko. Wala rin namang nagawa si tita kung hindi hayaan ako na tulungan siya.

Sa dami ng labahan ni tita ay inabot na kami ng tanghali. Ngunit banlaw na lamang ang gagawin dahil tapos ng kusutin. Huminto muna kami dahil nakaramdam na kami ng gutom at kailangan na naming kumain ng tanghalian.

Ang tirang ulam namin kanina na bangus ay iyon na lang din ang ulam namin sa tanghali. Sa mahal ng mga bilihin ngayon ay kailangan talagang mag tipid. Kaya minsan kapag walang ulam talaga ay mantika at toyo lang sa mainit na kanin ay okay na.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay makapag pahinga ng ilang minuto ay agad na bumalik si tita sa paglalaba. Gusto ko man siyang tulungan ulit ngunit ayaw niya na.

Kaya hinintay ko na lang na sumapit ang alas dos ng hapon at agad na inayos ang mga dadalhin ko. Inilagay ko iyon sa loob ng aking bag at pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.
Dala-dala ang aking bag pack ay lumabas ako ng kwarto at pumunta kay Tita Rose upang magpaalam. Nadatnan ko siyang patapos na sa pag banlaw ng mga damit.

"Tita, alis na po ako." Paalam ko sa kanya. 

"Sige, mag- ingat ka." Sagot niya.

"Opo." Sagot ko at umalis na.

Mabilis ang bawat lakad ko dahil baka ma-late pa ako. Marami namang dumadaan na mga tricycle ngunit tulad ng sinabi ko ay gastos lang 'yan. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo mula sa aming bahay at may tumawag na sa pangalan ko.

"Abby!" Lumingon ako at tiningnan kung sino ang tumatawag sa 'kin.

"Dominic, bakit?" Tanong ko. Taga rito lang din siya sa barangay namin at  matagal na siyang nanliligaw sa akin pero wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Ngunit sadyang makulit siya dahil hihintayin niya raw ako kung kailan handa na ako.

"Papasok ka na ba sa trabaho mo? Hatid na kita." Sabi niya.

"Huwag na, Dom. May trabaho ka pa 'di ba? Baka ma-late ka pa." Sabi ko.

"Sure ka? Sige, susunduin na lang kita mamaya pag-uwi mo." Tumango lang ako.  Ngunit hindi niya naman alam kung anong oras ang uwi ko. Tumango lang ako bilang pag sang-ayon para matapos na ang pag-uusap namin dahil baka ma-late pa ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa restaurant. Ngunit naramdaman ko na parang may nakasunod sa 'kin. Matagal ko nang nararamdaman ito. Matagal nang parang may sumusunod sa akin pero hinahayaan ko lang iyon. Lumingon ako sa likod ngunit wala namang tao. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Pero ramdam ko talaga na may nakasunod sa 'kin ngunit hindi ko na lang pinansin 'yon. Binilisan ko na lang ang paglalakad  hanggang sa makarating na ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now