Dali-dali niya iyong kinuha at walang tigil na nilaklak. Nanginginig ang kamay niya. Nagkanda-basa-basa ang leeg at harapan ng damit niya sa pagmamadali. Ubos niya ang laman ng bote.


May kinuha mula sa likuran ng damit si Lucia. Regular Jollibee Yum burger. Inabot nito iyon sa kanya.


"Bilisan mo, Perisha," mahina ang boses na anito.


Sinunod niya ito. Nilantakan niya ang burger hanggang sa magkasamid-samid siya. Namutla siya ng makitang wala na siyang tubig na iinumin.


Humagikhik si Lucia ng sinukin siya.


"W-wala ka na bang tubig?" Naiiyak na tanong niya.


Umiling ito.


Shit. Pano iyan? Bumara yata yung burger sa lalamunan niya. Hirap na siyang huminga. Sinikap niyang lumunok pero wala pa rin. Hinimas-himas niya ang leeg.


Mahinang tumawa si Lucia. Mayamaya ay kinakagat na nito ang sariling pulso.


"A-anong ginagawa mo?" Gulat na napatitig siya rito.


Pero hindi siya nito pinansin. Kulay pula na ang mga mata ni Lucia, umaagos ang dugo mula sa pulso nito patungo sa kandungan niya. Hinila siya nito at sinakal. Lalo siyang hindi nakahinga.


"Lucia, a-ano ba?" Mangiyak-ngiyak siya.


"Shhh..." Ngumisi ito at walang pasabing inginudngod sa bibig niya ang pulso nitong naglalabas ng malapot na dugo.


Hindi siya makaiwas, hindi siya makalayo dahil malakas si Lucia ng higit na isangdaang beses sa kanya. Napaiyak na lang siya ng malasahan ang dugo nito na tila may sariling buhay na tumatawid mula sa kanyang bibig patungo sa kanyang lalamunan.


Nang bitawan siya nito ay kanda-duwal siya. Pero kahit anong gawin niya na dukot sa kanyang bibig ay hindi niya na maidura ang dugo nito.


"O di ba?" Tinapik ni Lucia ang balikat niya. "E di hindi ka na sinisinok."


Gigil na tiningnan niya ito nang masama. "Sira ulo kang babae ka!"


Tumawa lang ito.


"Ano ka ba talaga? Kanino ka ba talaga kampi? Baliw ka ba talaga?!"


Tumayo ito at namewang. "Hulaan mo."


Kahit nabu-buwiset ay kinalma niya ang sarili. Kailangan niya si Lucia, ito ang nakikita niyang pag-asa para makatakas siya. "Lucia, alam ko naman na hindi ka talaga masama. Please, tulungan mo akong makatakas."


"I can't do that."


"Lucia, please..."

Fall For YouWhere stories live. Discover now