Kabanata XXII

287K 9.7K 1.8K
                                    

NAPAHIKBI si Perisha.


Natigilan naman si Kaden ng magsimulang tumulo ang mga luha niya.


"Cara..." Nawala na ang tigas at talim sa tinig nito.


Umiling siya. "B-bukas na lang tayo mag-usap, Kaden..." Umiwas siya ng akma siya nitong hahawakan. "Please..."


"Mi cara..."


"Dito ako matutulog sa kuwarto ko... please, lumabas ka na. Iwan mo ako..."


Lumayo ito sa kanya at saka tumalikod.


Iniwan nga siya.


Lalong nagsikip ang dibdib niya ng lumabas nga ng kuwarto niya si Kaden. Sumubsob siya sa kanyang kama. Doon niya ibinuhos ang mga luha niya.


Ang pangako ni Kaden ay hindi siya nito paiiyakin. Pero ano ang ginagawa nito ngayon? Hindi lang mata niya ang pinapaiyak nito ngayon, kundi pati na rin ang puso niya!


Nang biglang lumundo ang kama.


Nang mag-angat siya ng paningin ay unang sumalubong sa kanya ang isang malaking teddy bear na may yakap na maliit na unang hugis puso. May malaking box din ng imported chocolates!


Bumalik si Kaden!


"I'm sorry kung walang bulaklak, marami ka naman non sa garden." Alanganin ang pagkakangiti nito.


Pinahid ni Kaden ang luha niya.


"I'm sorry, cara... I'm sorry... Please stop crying..."


Pinagmasdan niya ito. Kitang-kita niya ang lungkot at pagsisisi sa mga mata ni Kaden.


Kinuha nito ang kamay niya at masuyong hinalikan. "I'm sorry... patawarin mo ako. Pinaiyak kita..."


Humikbi siya ng haplusin nito ang pisngi niya.


"Please? 'Wag ka ng umiyak..."


Pero patuloy sa pagtulo ang mga luha niya.


Narinig niya ang mahinang pagmura ni Kaden. Pumikit ito nang mariin. Lalo siyang napaiyak.


"No... hindi ako galit sa'yo, okay?" Muli itong napapikit. Tila nahihirapan. "I'm sorry... please, tahan na..."


"Inimbita ko siyang mamasyal... kasi wala ka naman." Nagsimula siyang magsalita.


"I know... I'm sorry... hindi dapat ganoon ang inakto ko kanina, I'm sorry because I lost my control."


Fall For Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें