Kabanata XXX

276K 8.9K 867
                                    

NAGISING si Kaden sa mainit na liwanag na tumatama sa balat niya. 


"Shit." Agad siyang bumangon.


Hubot-hubad siya ng lapitan niya ang malaking bintana ng kuwarto niya, nakalimutan niyang isara ang makapal na kurtina kagabi. Mahapdi ang balat niya dahil sa direktang sikat ng araw. 


Ngayon lang siya tinanghali ng gising.


Nang maisara niya ang kurtina ay saka niya binalikan si Perisha sa kama. She was still sleeping, nasa ibaba ng kama ang kumot nito. Perisha was still naked and her legs parted wide. Nakasabog sa unan ang kulot-kulot nitong buhok, namumula ang pisngi nito, bahagyang namamaga ang mga labi dahil sa halik niya at may bahid ng luha ang mahahabang pilik-mata.


Kinumutan niya ito bago pa siya matukso na galawin ulit ang babae. Tinakpan niya ang katawan nito hanggang sa ibabaw ng dibdib.


Tumungo siya at hinalikan ito sa mga labi nito. "Good morning, my love." Hindi pa rin ito nagigising, mukhang napagod niya talaga ito nang husto.


Nagbihis siya at iniwanan ito sa kuwarto. 


He will make food for her, at sasamahan niya ito sa kuwarto maghapon.


...


NAGISING si Perisha na may mainit, malambot at basang bagay na kumikiliti sa tainga niya. 


Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay namulatan niya si Kaden. Nakayakap ito sa kanya sa ilalim ng kumot.


Bumaba ang mga labi nito sa kanya, hinalikan siya nito nang marahan. Tila ginigising pa ang diwa niya.


"A-anong oras na?" namamaos na tanong niya ng lumayo rito.


"One."


"One?" Namilog ang mga mata ni Perisha. "One?! As in ala-una ng hapon?!"


"Yeah," muli siya nitong pinaliguan ng halik. Dila pala nito ang naramdaman niya sa tainga niya kanina.


Itinulak niya ito. "Ala-una na ako nagising? Oh, my God!"


Tanging ang dalawang lampshade sa magkabilang bedside table lang ang nagsisilbing ilaw sa kanila. Saradong-sarado pa ang mga bintana sa kuwarto ni Kaden, makakapal din ang mga dark color na kurtina sa paligid kaya hindi niya makita ang labas. Malamig na malamig din ang aircon, kaya hindi mo mamamalayang tirik na pala ang araw at ilang oras na lang ay magha-hapon na.


"Hey," natatawang niyakap siya ulit nito. "It's okay. Wala ka namang gagawin, saka napagod ka kagabi. I mean hanggang madaling araw." Hinalikan na naman nito ang tainga niya, pababa sa kanyang leeg.


Itinulak niya ulit ito. Napasimangot na si Kaden. "T-teka muna. Nagugutom na ako."


Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon