Kabanata XLIII

240K 8.3K 1.7K
                                    

NANLALATA si Perisha sa gutom at uhaw.


Nahihilo siya at nanghihina. Siguro ay naghalo na ang epekto ng gamot na itinurok ni Lia sa kanya at ang nararamdaman niyang gutom at uhaw. Ilang oras na siyang nakakulong. Ilang oras na siyang nakalugmok sa malamig na semento ng kuwartong pinalilibutan ng bakal.


Sinubukan niyang gumapang papunta sa pader. Kahit hinang-hina ay kumapit siya ron at pinilit na maiupo ang sarili.


Sumandal siya sa pader at pinagmasdan ang kaunting liwanang na tumatawid mula sa bintanang may bakal na rehas. Malapit ng magdilim ayon sa kakaunting liwanag. Nararamdaman na rin ni Perisha ang paglamig ng hangin na galing din doon.


"K-Kaden..." napahikbi siya.


Nasaan si Kaden?


Ang sabi nito ay hindi siya nito papabayaan. 


Ang sabi nito ay babantayan siya at hindi iiwan. Pero nasaan ito ngayon? Bakit wala ito? Bakit hinahayaan siya rito na mag-isa at natatakot?


Napaiyak siya ng maalala ang huling usapan nila.


Itinaboy niya si Kaden. Inaway niya na hindi hinihingi ang panig nito.


Bilang normal na tao, nagpadala si Perisha sa silakbo ng kanyang damdamin. Nagalit siya, nag-isip ng masama at piniling umalis at lumayo. Nasaktan kasi siya. Pakiramdam niya ay niloko siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya.


Sa pag-kidnap sa kanya ni Donovan, posibleng hindi totoo ang sinabi nitong ang mga Vox ang kalaban. Sa tagal niyang nanirahan sa piling ng mga Vox, hindi kailanman siya pinakitaan ng masama ng mga ito.


Ano ba talaga ang totoo? May pag-asa pa kaya na malaman niya ang totoo?


Gulong-gulo ang isip ni Perisha. Hindi niya na maintindihan ang nararamdaman niya.


Baka dito na siya mamatay.


Sana bago man lang siya mamatay ay magkausap sila ni Kaden. Sana marinig niya rito ang totoo. Kahit masakit ang totoo, sisikmurahin niyang tanggapin. Kahit hindi niya na ito mapatawad sa malalaman niya, ang importante ay marinig niya rito ang kabuuhan ng katotohanan.


Bumukas ang pintuan na gawa rin sa bakal.


Napaangat ang tingin ni Perisha. Nasilaw siya sa hawak na flashlight ng babaeng nasa harapan niya.


"Lucia?"


Tumapat sa mukha nito ang liwanag. "Hi."


Napalunok siya ng makita ang hawak ng isang kamay nito. May hawak na maliit na bote ng mineral water si Lucia.


"Tulungan mo ako..."


Lumuhod sa harapan niya si Lucia. "O, inumin mo para may lakas ka mamaya." Binuksan nito ang mineral water.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon