Kabanata VIII

328K 11.5K 2.9K
                                    

GET A GRIP, PERISHA ESCALANTE!


Pero hindi niya kayang magtimpi. Hindi niya kayang kontrolin ang tili na gustong kumawala sa lalamunan niya.


"Alam niyang gusto ko siya!" 


Sumubsob siya sa kanyang unan at doon tumili. 


"Hindi lang basta gusto! Alam niyang mahal ko siya!"


Pero paanong nangyari iyon?


Bumalikwas siya sa kanyang kama. Hindi na siya lumabas ng kuwarto matapos ang tanghalian. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Kaden. Para siyang sinisilihan.


"Ano na lang ang sasabihin niya? Wala akong utang na loob? Na pagtakapos kong makitira dito sa pamamahay niya ay pagnanasaan ko pa siya?"


"Pagnanasaan?" Boses mula sa terrace ng kuwarto niya. Nakalimutan niya palang isara ang glass door.


"Ay, bulate!" muntik na siyang malaglag sa kama.


"You're talking to yourself?" Tatawa-tawa itong pumasok sa kuwarto niya.


"Hindi ka na nakakatuwa, Cross! Bakit ba ugali mo na lang pumasok sa kuwarto ko nang hindi nagpapaalam o dumadaan sa pinto?!"


"O? Anong bago? Matagal ko na namang ginagawa ito, a?"


"Pero iba na ngayon!"


"At anong pinagkaiba?"


Nag-iwas siya ng tingin. "Dalaga na ako..."


"What?"


"Hindi na kasi magandang tingnan, e. Alam mo na..."


"Dalaga ka na? Saan banda?"


Binato niya ito ng unan sa mukha pero nakailag ang herodes.


"Okay, tumangkad ka..." tatango-tango ito. "Pero maliit ka pa rin. Ni hindi ka nga umabot sa leeg ko, e."


"Pero dalaga na ako!" Buwiset na buwiset siya.


"Nireregla na, okay. Pero wala ka pa ring boobs."


Sukat sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Perisha. Sinugod niya ito at pinaghahahampas. "Lumayas ka!"


"Bahay mo ito para palayasin mo ako?" tatawa-tawa ito na hindi alintana ang galit niya.


"Pero kuwarto ko ito!"


"May titulo ba itong kuwarto mo?"

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon