"Wag kang mag-alala, doon pa rin ako sa kuwarto nating dalawa." Pinilit niyang ngumiti. "P-pero sana bigyan mo muna ako ng time na mag-isip."


"I'm sorry..."


"Tama na muna iyang sorry mo. Tama na muna..." tinalikuran niya ito. "Ibigay mo sa akin ang time na ito, please... wag ka munang papasok sa kuwarto..."


Narinig niya ang paglagutukan ng mga buto nito sa kamao. Nagtuloy si Perisha sa kuwarto. Ini-lock niya ang pinto kahit alam niyang kaya naman iyong wasakin ni Kaden kung gugustuhin nito.


Sumubsob siya sa kama at doon umiyak.


Nag-ring ang cell phone niya. Kinuha niya iyon. Unknown number pero si Judas ang naisip niya.


"Hello?" sagot niya.


"Perisha, this is Don. Donovan Pedrigal."


"Don?" Gulat na sambit niya. Paano nito nalaman ang number niya?!


"Alam ko na kung nasaan ang kapatid ko." Sabi nito. "But I guess I still owe you. Sasabihin ko na rin iyong sekreto na dapat mo ng malaman. Interesado ka ba?"


Sekreto? Ano ba iyong sekretong iyon?


"Malamang interesado ka. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso mo... napakabilis." Mahina itong tumawa mula sa kabilang linya. "Pati ang paghinga mo ay naririnig ko. Ang daloy ng dugo... mabilis... marubdob. Oh, how I love to take a zip."


Kinilabutan siya.


Muli itong tumawa mula sa kabilang linya. "Kidding!"


"Ano bang kailangan mo sa akin? At ano bang sekreto iyan?"


"Maniwala ka, gusto mong malaman ito."


"Then tell it to me now. Ano ang sekreto ang sinasabi mo?!" Pakiramdam niya ay alam niya na lahat.


Ano pa bang pwedeng sabihin ni Don na mas lalala pa sa nalaman niya kanina kay Lucia?


"I know who killed your cousin."


Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Bumilis pa ng dalawang ulit sa normal ang pintig ng puso niya.


"Narinig mo ba ako, Peri? Kilala ko kung sino ang pumatay sa Ate Ana mo. Hindi adik, tripper o holdaper. Alam mo kung ano? Bampira."


"B-bakit mo sinasabi ito sa akin?"


"Because we're friends?"


"Hindi kita kaibigan." Matigas niyang sabi.


Fall For YouWhere stories live. Discover now