Chapter 43: My Family

Comenzar desde el principio
                                    

Biglang naalala ko ang parent’s nya. Tama siguradong may alam ang mga magulang nya.

Pag dating ko sa bahay nila agad kong nakita ang mommy nya pero mukhang galing ito sa pag iyak, nagulat din sya na makita ako pero hindi ko alam kung bakit gayong ngayon lang kami nag kita.

“Ma’am pwede bang malaman kung nasaan ang anak nyo?” tanong ko. Pinipigil kong hindi ipakita ang galit ko.

“W-Wala sya. Umalis k-kasama ang anak n-nyo.” Sabi nya habang hirap na hirap sa pag sasalita.

“Darling, sino yang kausap mo?” tanong ng bagong dating na hula ko ay ang ama ni Ella. Mag kamukha sila kaya walang duda.

“Anong sinasabi nyo na anak namin?” naguguluhan ako dahil ang alam ko ako lang ang magulang ng anak ko. Akin lang ang anak ko!

“Pumasok muna tayo sa loob para maipaliwanag namin sa iyo ng mabuti ang lahat.” Sabi ng Matandang lalaki.

“You have to know the truth.” Sabi ng matandang babae. Mabagal akong nag lakad at sumunod sa kanila papasok ng bahay. Hindi ko alam kung anong mga malalaman ko pero kinakabahan ako sa mga sasabihin nila sa akin.

Pag katapos nilang sabihin ang lahat ng dapat kong malaman halos huminto ang mundo ko dahil hindi pa pumapasok sa utak ko na totoo lahat ng iyon.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi nila na si Ella ang ina ng anak ko at asawaa ko sya, na pareho kaming nawalan ng alaala dahil sa pareho kaming na aksidente isang taon na ang nakalipas.

Hindi sana ako maniniwala kung hindi lang nila pinakita sa akin ang mga pictures namin kasama ang anak namin at sa mga pictures na iyon lagi kaming naka ngiti.

We used to be happy.

We used to be a family.

Bumaba ako ng sasakyan at sumigaw ng malakas dahil iyon lang ang paraan para hindi ako mabaliw. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dahil ngayon pakiramdam ko sobrang manhid ng katawan ko.

Ella is my wife and the mother of my child.

My loverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora