Palayain

1.5K 7 1
                                    

Mahal palayain mo na ako
Palayain mo ako sa sakit
Palayain mo ako sa lungkot
Palayain mo ako sa hirap
Palayain mo ako sa pighati
At palayain mo ako para maging masaya
Hayaan mong punan ko
ang sarili ko ng pagmamahal
Pagmamahal na hindi mo nasukli sa akin
Hayaan mong masaktan ako
dahil dun ako babangon.
Masaktan para maging matibay para sa sarili ko
Hayaan mong malugkmok ako
Malugmok dahil susubukan kong lumaban mag isa.
Hayaan mong mapag isa ako
dahil bago ka pa dumating, ako'y nag iisa na lamang.
Hayaan mong makalimutan kita
dahil dun ko malalaman na wala ka na talaga.
Dahil ang totoong nagmamahal
marunong umintindi at marunong magpalaya
Kaya mahal, pakiusap ko lang sa'yo
Palayain mo na ako sa lahat.

A/N: This is my last piece hehe. Sipag ko gumawa ng Spoken Words grabe na talaga. Thank you sa mga readers ko. Naappreciate ko yung effort nyo sa pag vote and pagread. I love you all. Mwa.

Spoken Words And Hugot Lines.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ