Kulang Ang Daigdig Sa Pagmamahal by Juan Miguel Severo

1.2K 2 0
                                    

May mga pag-ibig na hindi pa natin lubos na pinag-uusapan.
May mga pag-ibig tayong hindi masyadong napapansin.
Sa susunod na isipin kong kulang ang daigdig na ito sa
pagmamahal, sana ay matandaan ko:
May pag-ibig sa isang magulang na naghihintay gabi-gabi sa
pag uwi ng anak nito.
May pag-ibig sa kanilang pagkasabik na makita ka
pagkatapos ng magtrabaho.
May pag-ibig sa mga tunay na pagkakaibigan
sa kabila ng hindi pagkakasundo.
May pag-ibig sa mga magkakapatid
sa mga anyo ng mga tamihik na yakap,
kwentuhan, at ibinabahaging sikreto.
May pag-ibig sa simpleng pakikipag kapwa-tao.
Sa susunod na iisipin kong kulang
ang daigdig na ito sa pagmamahal,
sana ay matandaan ko:
May pag-ibig na patuloy na ipinaparamdam
gaano man kailap ang inaasam nitong sukli.
May pag-ibig na handang tanggapin
ang iyong mga nakalipas na pagkakamali.
May pag-ibig sa paninindigan na protektahan
ang sarili sa sakit kahit pa tawagin kong malupit,
manhid, matigas,.
May pag-ibig na mananatili sa'yo kahit matagal
na itong nagwakas.
May pag-ibig na tapat maging sa mga multo...
Pero ito ang hiling ko para sa inyo:
Sa susunod na isipin mong kulang sa pagmamahal
ang daigdig na ito,
sana makatagpo ka ng pag-ibig na ibubuwis ang
masaktan at makapanakit manatili lang sa piling mo.
Ang pag-ibig ay desisyon na parating may kapalit na sakripisyo.
At kung ikaila ng mundo ang silbi ng pag-ibig
dahil hindi nito kayang maging sapat,
magpasya ka para sa sarili mo:
"Pipiliin ko ang pagmamahal sa kabila ng lahat".

Spoken Words And Hugot Lines.Where stories live. Discover now