Nung gabing tinapos natin ang lahat
Saksi ang kalawakan kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko papalayo sa'yo
Nung gabing yon mailap ang mga tala
Na para bang nananadya
Na kung ano ang dilim sa aking kalooban
Ay siya ring dilim ng kalangitan
At sumabay pa 'to sa aking kalungkutan.
Sinubukan kong maglaro sa ulan
Umaasa na kaya nitong hugasan ang sakit
At tangayin sa kung saan
Ngunit hindi dahil
Ako ang pinaglaruan ng ulan
Ako ang pinagtaksilan ng kalawakan,
Taksil ang kalawakan
Sinubukan kong tumakbo
Kasalungat ng pag ikot ng mundo
Nagbabakasakaling kaya ko pang habulin
Ang kahapon ko sa piling mo
Noong sabay nating pinagsaluhan
Ang ritmo ng paborito nating awit
Noong sabay tayong naligaw
Sa magulo nating paligid
Makakaya ko pang ibalik ang oras,
minuto o segundo
Makakaya ko pa
Makakaya pa natin
At kung hindi na talaga kaya pang bumalik
Maaari bang ulitin nalang ulit
ang ikaw at ako
Ang dating tayo.A/N: Kilala nyo ba si Tj Monterde ? Eto yung spoken words na kasama dun sa MV nya na Dating Tayo.
YOU ARE READING
Spoken Words And Hugot Lines.
PoetryCompilation po ito ng mga Spoken Words Poetry ng katulad kila Ate Mai Mai Cantillano and Kuya Juan Miguel Severo and other spoken word artists. Nainspire lang akong gawin ito kasi last Sunday February 12, 2016 first time ko nakita sa personal si Ate...