Pinaglaruan by Si Malaya on Tumblr.com

1.4K 5 0
                                    

Ni minsan ba naisip mong mahirap kang tanggihan?
Hindi naman kasi ikaw yung tipong makikilala ko araw araw
Hindi naman kasi ikaw yung taong madaling mahanap
Ni minsan ba naisip mong hindi kita kayang pakawalan?
Nang basta basta
Parang gusto ko manatili, makinig sa kwento mo
Baka pwede ka ring titigan
Hanggang sa masaulo ko na yung mga ngiti mo
Na kahit nakapikit ako, bawat detalye ay kumpleto pa rin

Pero tingnan mo kung nasaan tayo
Tingnan mo kung tugma ba yung oras nating dalawa
Kung maglalapat ba ang ating mga kamay
Kung masasandalan ko ang mga balikat mo
Sa mga gabing hindi ko na alam ang gagawin
Tingnan mo kung pareho ba tayong pwedeng
Manatili, lumimot, magsimula, at sumaya
Nang magkasama
Yung oras nating dalawa, parang kailanman hindi magtutugma
Parang tayong dalawa, na hindi magiging tama para sa isa't isa
Pakiramdam ko, nahuli lang tayo ng ilang araw, ilang oras
Pero parang kailanman, hindi na tayo mapagbibigyan
Pero pinaglalaruan nila tayo
Pilit nila tayong pinaglalapit
Pilit na pinapakitang nahuli tayo
Pilit na pinaparamdam na sana ikaw ang kasama
Pinaglalaruan nila tayo
Na parang wala tayong pakiramdam
Na parang hindi tayo marunong manghinayang
Pinaglalaruan nila tayo
Pero ni minsan hindi nila tayo tinanong
Kung gusto ba nating sumali sa kanila
Kasi parang magulo, parang nakakasira ng ulo
Na sumali sa laro
Na oras ang kalaban ko
Hindi ba talo na agad ako?
Hindi ko hihingilin na bumalik ang oras
Dahil sa tingin ko, kung anong laro man ito
Hindi natin kailangang ulitin para manalo
Pwede bang umasa na lang ako
Na magkikita pa rin tayo sa susunod na buhay nating dalawa

Spoken Words And Hugot Lines.Where stories live. Discover now